Piling Kabataang Magsasaka, Katuwang ng ATI sa Binhi ng Pag-asa Program

Mon, 08/01/2022 - 10:53
Piling Kabataang Magsasaka, Katuwang ng ATI sa Binhi ng Pag-asa Program

Batangas Province – Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Office of the Senator Grace Poe (OSGP) ang dalawang pangkat ng Provincial Training of Trainers for Binhi ng Pag-asa Program noong Hulyo19-21, 2022 at Hulyo 27-29, 2022 sa mga piling Learning Site for Agriculture (LSA) sa probinsya ng Batangas. Ang aktibidad ay dinaluhan ng animnapung (60) aktibong kabataan mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.

Naging bahagi ng programa ang pagtalakay sa mga paksang Leadership, Values Formation, Agripreneurship at social media marketing na ibinahagi ng mga tagapagsalita mula sa OSGP na sina Atty. Vince Leido, Deputy Chief-Political Affairs, Bb. Sofia Anne Santiago, Social Media Team Lead, G. Dan Christian Dacumos, Director for Communications at G.Ulysses Francisco Youth Arm Member. Samantala, tinalakay naman nina Gng. Runelita Panganiban, Gng. Evangeline Bantigue at Mark Angelo Buhat mula sa Office Provincial Veterenarian ang mga paksang kaugnay sa Native Chicken and Swine Production.

Nagkaroon rin ng mga paksa at hands-on activity sa Organic Vegetable Production, Urban gardening at Hydroponics na tinalakay na ng mga tagapagsalita mula sa Office of the Provincial Agriculturist na sina Gng. Melinda Mendoza, Gng. Laura Bihis at Bb. Poncia Garcia. Samantala, kasamang dumalo sa pambungad at pangwakas na programa sina Dr. Rolando V. Maningas, OIC, Center Director at Gng. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Director ng ATICALABARZON.

"Kayo po ay pinili sa inyong kanya-kanyang bayan upang maging representative dito sa ating Provincial TOT at ang magiging role ninyo ay bukod sa magiging model kayo sa inyong mga kasamang kabataan sa kanya-kanyang bayan, kayo ay magiging ka-partner natin sa pagpapadaloy naman ng mga municipal training sa inyong bayan. Kayo po ay napili at in-assure ng inyong mga Municipal Agriculturist na may kalidad at may commitment para sa programang ito, " pahayag ni Dr. Maningas sa mga kalahok.

Pangkalahatang layunin ng pagsasanay ang palakasin at madagdagan ang kakayahan ng mga kabataang magsasaka sa pamumuno habang pinangangasiwaan ang kanilang mga napiling proyektong pang agrikultura sa kanilang mga bayan. Kabilang din sa programa ng Binhi ng Pag-asa ang pagasasagawa ng mga municipal trainings sa iba’t ibang bayan ng Batangas na magsisimula sa buwan ng Agosto taong 2022.

Nilalaman: G. Roy Victoria

article-seo
bad