Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna, Ikaapat na OCB sa Bansa

Tue, 01/10/2023 - 17:14

Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna, Ikaapat na OCB sa Bansa

Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna, Ikaapat na OCB sa Bansa STA. CRUZ, Laguna - Pormal na iginawad ng Department of Agriculture- Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (DA-BAFS) ang Accreditation Certificate para sa Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna (SOIL) bilang ikaapat na organic certifying body (OCB) sa buong bansa sa ilalim ng Participatory Guarantee System (PGS) sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna noong ika-9 ng Enero, 2023.   Samantala, iginawad din sa limang sakaha

STA. CRUZ, Laguna - Pormal na iginawad ng Department of Agriculture- Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (DA-BAFS) ang Accreditation Certificate para sa Samahan ng Organikong Industriya ng Laguna (SOIL) bilang ikaapat na organic certifying body (OCB) sa buong bansa sa ilalim ng Participatory Guarantee System (PGS) sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna noong ika-9 ng Enero, 2023. 

Samantala, iginawad din sa limang sakahan mula sa lalawigan ng Laguna ang Participatory Organic Certificates sa mga sumusunod:

  • Sweet Nature Farm, Sta. Maria, Laguna at Gintong Bukid Farm & Leisure, Nagcarlan, Laguna, mga certified Learning Site for Agriculture (LSA) ng DA-ATI CALABARZON
  • Costales Nature Farms, Majayjay, Laguna na isang National Extension Service Provider ng Agricultural Training Institute
  • Chefferd's Farm, Pagsanjan, Laguna at Coco-A-Vanilla Farm, Sta. Maria, Laguna 

Bilang isang ganap na organic certifying body, iginawad din ng pamunuan ng SOIL sa pangunguna ni Bb. Suzette Sales, ang Participatory Organic Certificate sa Agrie’s Integrated Farm, isang certified LSA mula sa Magdalena, Laguna at ArtFArm Sustainable Solution mula naman sa Bay, Laguna. 

Dumalo sa nasabing seremonya sina DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas at nagpahayag ng suporta sa mga adhikain ng samahan kasama si OIC, Asst. Center Director Sherylou C. Alfaro at OA Focal Person, Bb. Soledad E. Leal. 

Gayundin, lubos ang pagsuporta ng Department of Agriculture – Regional Field Office IVA sa pangunguna ni Regional Executive Director Milo Delos Reyes at Regional OA Focal Person, Bb. Eda F. Dimapilis kasama ang mga iba pang kawani ng kagawaran.  Nagkaloob ng ayuda/intervention ang DA-RFO IV-A na nagkakahalaga ng mahigit limang milyong piso para sa Samahan. Dumalo din sa nasabing okasyon si   Laguna Governor Ramil L. Hernandez, NOAP Program Director Bernadette San Juan, Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias, Municipal Mayor ng Sta. Maria, Majayjay at Nagcarlan, mga kinatawan mula sa LSPU Siniloan Campus at UPLB, mga Municipal Agriculturists at mga organic practitioners mula sa iba't ibang bayan ng Laguna. 

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang SOIL sa pamamagitan ng isang mensahe mula sa kanilang tagapangulo na si Bb. Suzette Sales, aniya, “Hindi madali ang pinagdaanan ng SOIL kung kaya’t nagpapasalamat kami sa lahat ng mga tumulong upang makamit namin ang pangarap na ito. Tinatanggap po namin ang hamon para sa de-kalidad at ligtas na pagkain para sa lalawigan ng Laguna.”

Ulat ni: Soledad Leal

article-seo
bad