CAVINTI, Laguna- Isinagawa ang seminar tungkol sa Rabbit Raising for Alternative Meat Source sa pakikipagtulungan ng Agricultural Training Institute (ATI)-CALABARZON sa Farmshare Prime. Layunin ng nasabing pagsasanay na mabigyan ng detalyadong kaalaman sa pamamahala ng pag-aalaga at pagkakatay ng kuneho ang mga kalahok. Nagkaroon din nag pagkakataon na magproceso ng kinatay na kuneho ang mga kalahok.
Dinaluhan ito ng labin-tatlong (30) mga rabbit enthusiast, farmer leaders, mga guro ng senior highschool at mga kabataan na magsasaka mula sa probinsya ng Laguna at Quezon.
Naging makabuluhan ang buong araw para sa lahat dahil itinuro sa mga kalahok ang mga potensyal pagdating sa Rabbit Farming Enterprise, health benefits ng Rabbit Meat at Rabbit Raising Management. Nagsilbing mga tagapagsalita sina G. Augosto Tengonciang, G. John Paul Del Rosario at Bb. Rosemarie Espallardo mula sa Farmshare Prime.
Nakatanggap din ang mga kalahok ng “rabbit starter kit package” para sa pamamahala ng pag-aalaga ng mga kuneho. Kabilang dito ang tatlong kuneho, inuman at pakainan.
Isang impresyon ang ibinahagi ni G. Prince Principe, “Una sa lahat maraming salamat po sa ATI IVA at Farmshare Prime sa patuloy na paghahatid ng mga programang nakakatulong sa katulad kong kabataang magsasaka. Ang masasabi ko po ay sulit na sulit po ang biyahe na tinahak ko papunta dito dahil hindi lang siksik liglig ang ibinigay sa amin sa maghapong ito. Dati pa po ako binibigyan ng alagaing kuneho pero parati ko po itong tinatanggihan dahil natatakot ako at wala pa akong kaalamn baka masayang lang ang ibinigay, Ngayon po dahil sa mga kaalaman na ibinahagi sa aamin may confidence na po akong mag-alaga ng kuneho at mas lalo pang matuto dito. Muli po Maraming maraming salamat po!”
Masiglang nagpaabot ng pagbati ang Center Director ng ATI-CALABARZON na si Bb. Marites Piamonte-Cosico at Asstistant Center Director, Dr. Rolando Maningas. Ibinahagi din ni Dr. Maningas ang kanyang mga inaasahan mula sa mga kalahok na mapalawig pa at maparami pa ang mga binigay na rabbit starting package at maisagawa ang mga itinuro sa kanila sa naturang pagsasanay.
Isinagawa ang pagsasanay noong ika-19 ng Pebrero 2022.
Ulat ni: Renzenia Rocas