DA-ATI CALABARZON, nakiisa sa ika-37 anibersaryo ng ATI

Wed, 01/31/2024 - 17:50
ATI 37th Aniv Celeb

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Bilang pakikibahagi sa ika-37 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Agricultural Training Institute (ATI), nagsawa ang DA-ATI CALABARZON ng iba’t ibang aktibidad sa loob ng dalawang araw, mula ika-29 hanggang ika-30 ng Enero, sa DA-ATI CALABARZON Compound.

Kasabay ng pagbubukas ng pagdiriwang noong Enero 29, nag-organisa ang DA-ATI CALABARZON ng KADIWA Retail Selling para sa unang quarter ng taon, tampok ang mga produkto ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative, Magallanes-Samahang Magsasaka ng Kay-Apas at Medina Agriculture Cooperative, Café Amadeo Development Cooperative, at General Trias Dairy Raisers MPC. 

Nagkaroon din ng programa para sa turn-over ng Digital Farmers Program (DFP) package of technology para sa Brgy. Ticalan Farmers’ Association (San Juan, Batangas). Kaalinsabay nito ang certification renewal ng Private Agriculture and Fisheries Extension Service Provider (PAF-ESP) na MoCa Family Farm RLearning Center, Inc. (Padre Garcia, Batangas); at mga Learning Site for Agriculture (LSA) I:  Javier Integrated Farm (Calauan, Laguna), Taal Maranan’s Farmville, Inc. (Taal, Batangas), at Yumi’s Farm (Tayabas City, Quezon).

Kasunod nito, kinilala ang katuwang na ahensya, mga natatanging kawani, at mga yunit/seksyon ng DA-ATI CALABARZON:

 

  • DA - Regional Field Office CALABARZON – Extension Partner

 

  • Rolando V. Maningas, PhD – Loyalty Awardee (20 years in service)
  • Sherylou C. Alfaro – Loyalty Awardee (20 years in service)
  • Mervin B. Vitangcol – Loyalty Awardee (10 years in service)

 

  • Glaiza Mae P. Plaza – Civil Service Professional Examination Passer
  • Bradford P. Camu – Civil Service Professional Examination Passer

 

  • Arianne G. Penalba – Master’s Degree Holder

 

  • Darren B. Bayna – Highest IPCR Pointer (COS)
  • Roy Roger D. Victoria II – Highest IPCR Pointer (Regular)
  • Lovely S. Ravelo – Perfect Attendance Awardee

 

  • Career Development and Management Services – 2023 30-Sow Level Swine Multiplier and Techno-Demo Farm Project Implementer
  • Information Services Section – 2023 Best SOA Implementer
  • Partnerships and Accreditation Section – 2nd Placer (Best Extension Paper – 1st Research and Innovation Week)

“Sa pamamagitan po ng matibay na pagtutulungang ito [sa loob ng 37 taon], we’ve learned more how to innovate and move forward upang patuloy na makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon at kasanayan upang mas mapalawak pa natin ang kaalaman ng ating mga mangingisda, magsasaka, AEWs (agricultural extension workers), at agriculture enthusiasts,” ani Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON.

Dumalo at nagbigay ng mensahe si G. Fidel L. Libao, Regional Technical Director for Research and Regulations ng DA-RFO CALABARZON na nagsilbing kinatawan ni OIC, Regional Executive Director Engr. Marcos C. Aves, Sr.; Bb. Bernadette Amparo na kumatawan sa Southern Tagalog Agriculture, Aquatic, and Resources Research Development and Extension Consortium (STAARRDEC); at Bb. Cely B. Bataclan, Senior Agriculturist at kinatawan mula sa Trece Martires City Agriculture Office.

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang, isinagawa naman ang “Seminar on Urban Agriculture through Soilless Crop Production” kung saan naging tagapagtalakay si Engr. John Mendoza, Program Management Officer ng DA-ATI CALABARZON. 

Sa ikalawang araw ng anibersaryo noong Enero 30, nagsagawa ang ahensya ng “Kwela at Katalinuhan: Tagisan ng ATIng Kaalaman,” isang quiz bee para sa lahat ng kawani ng DA-ATI CALABARZON kung saan kabilang sa mga katanungan ang kasaysayan at mga serbisyo ng ATI. Hinati ang mga kawani sa apat na grupo na nakipagtagisan ng talas ng pag-iisip sa tatlong rounds ng kompetisyon. Tumanggap ng cash prize ang bawat grupo batay sa natamo nilang pwesto. 

May temang “Innovate. Collaborate. Succeed: Growing Together for a Sustainable Future” ang anibersaryo ng ATI ngayong taon. 

Taong 1987 nang pag-isahin ang Bureau of Agricultural Extension (BAEx), Philippine Agricultural Training Council (PATC), at ang Philippine Training Centers for Rural Development (PTC-RD) bilang ATI, sa bisa ng Executive Order No. 116. Mula noon, nagsilbi nang haligi ang ahensya ng mga pagsasanay at iba pang serbisyong pang-ekstensyon para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.  

 

Ulat ni: Archie C. Linsasagin

 

article-seo
bad