NGAs na may Programa sa Livestock, Nakiisa sa Regional Livestock and Poultry Congress 2023

Fri, 10/27/2023 - 18:05
NGAs na may Programa sa Livestock, Nakiisa sa Regional Livestock and Poultry Congress 2023

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Bilang pagdiriwang ng 3rd National Livestock and Poultry Month, isinagawa ng Department of Agriculture (DA)- Agricultural Training Institute CALABARZON kasama ang ibang sangay sa rehiyon ng National Government Agencies (NGAs), kabilang ang Department of Agriculture Regional Field Office IVA Livestock Program, DA-Philippine Carabao Center at UPLB, DA- BAI National Swine and Poultry Research Development Center (DA BAI  NSPRDC) at DA National Meat Inspection Service RTOC IVA ang Regional Livestock and Poultry Congress sa DA-ATI CALABARZON Training Hall, Trece Martires City, Cavite.

Malugod na tinangap ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng ahensya ang mga kalahok at panauhin sa programa. Pinasinayaan nila Dr. Fernando Lontoc, Regional Technical Director ng DA NMIS RTOC IVA, Dr. Thelma A. Saludes, Center Director, DA-PCC at UPLB, Dr. Jerome Cuasay, Regional Livestock Coordinator- Livestock Program, DA RFO IVA at Dr. May M. Magno, Provincial Veterinarian – Cavite Province ang pagbubukas ng programa.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, iginawad sa Silang Livestock Agricultural Cooperative ang kaukulang suporta para sa implementasyon ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program.

Dinaluhan ang aktibidad ng mahigit sa isang daang (100) magsasaka, tekniko sa paghahayupan at agri-enthusiats mula sa rehiyon. Nagasagawa ng tatlong libreng seminar ukol sa Native Chicken, Basic Beekeeping at Safe handling ng karne. Naging mga tagapagsalita sa mga nasabing seminars sina G. Mat San Agustin mula sa DA- BAI NSPRDC, Dr. PJ de Castro mula sa PJ Plantation and Beefarm at Dr. Mariel Rebosura mula sa DA-NMIS RTOC IVA.

Sumuporta din ang mga iba’t- ibang kooperatiba at pribadong magsasaka na ibinida ang kanilang livestock-based products mula sa General Trias Diary Cooperative, Los Pepes Farm at Nardas Agri and Poultry Farm. Kinilala din ng ahensiya ang pagsuporta ng mga livestock agencies at Provincial Veterinary Offices ng Rehiyon.

Ulat ni: Marian Lovella Parot

 

article-seo
bad