Dalawamput limang (25) tekniko mula sa ibat-ibang bayan ng CALABARZON , sumailalim sa pagsasanay ng “Meat Processing with Good Manufacturing Practices”

Wed, 03/13/2024 - 16:17
meat processing

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Alinsunod sa pagdaraos ng Buwan ng Kababaihan, nagsasagawa ang Surian ng Pasanayang Pang-agrikultura sa rehiyon ng CALABARZON ng tatlong araw na pagsasanay tungkol sa kagandahan ng Good Manufacturing Practices sa pag-poproseso ng karne. Idinaos ang pagsasanay sa 4H Hub at aktwal na pagsasanay sa Meat Hub na kapwa pasilidad ng tanggapan.

Sa pagbubukas ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe ang Center Director ng tanggapan na si Dr. Rolando V. Maningas at nagpaabot ng kanyang hangarin sa mga kalahok na maibalik ang sigla ng industriya ng paghahayupan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Sa tatlong araw na pagsasanay natutunan nila ang mga iba't-ibang mga recipe mula sa karne ng baboy at manok. Natutunan din nila ang mga tamang hakbang at temperatura sa pagluluto ng mga prinoseso nilang mga karne. Nagkaroon din sila ng ideya kung bakit mahalaga ang Good Manufacturing Practices sa pag-poproseso ng mga karne. Naipakita din nila ang tamang costing ng mga rekadong ginamit at pagkuha ng Return of Investment.

Ani ni Bb. Niña Marie C. Ramos  tekniko mula sa Laurel, Batangas “ nagkaroon po ako ng bagong kaalaman lalo na po sa Good Manufacturing Practices, maging ang aking mga kasamahan po sa training ay nagkaroon ng kaalaman kung paano gumawa ng mga processed na karne na ginamitan ng GMP”.

Naging mga tagapagsalita sina Bb. Marjo P. Mojica, Market Specialist II ng Opisina ng Provincial Veterinarian ng Cavite at Bb. Marian Lovella A. Parot , Livestock Focal at Training Specialist II ng Surian ng Pasanayang Pang-agrikultura ng CALABARZON.

Layunin ng pagsasanay na bigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pag- gamit ng Good Manufacturing Practices sa pag-poproseso ng karne.

Ulat ni Hans Christopher Flores

 

article-seo
bad