Pagiging ‘Organic Certifying Body’ ng 2 kooperatiba, target ng pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

Fri, 02/16/2024 - 14:51
BONFAC at UPCAFA.jpg

 

 

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isinagawa ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON, sa pakikipagtulungan sa DA - Regional Field Office (RFO) IV-A, ang pagsasanay na may titulong “Fostering Organic Expertise: Transforming Certified PGS Group to Organic Certifying Body (OCB)” mula ika-12 hanggang ika-16 ng Pebrero 2024, sa DA-ATI CALABARZON Training Hall.

Nilahukan ito ng mga kinatawan ng Batangas Organic and Natural Farming Cooperative (BONFAC) at Upland Cavite Agricultural Farming Cooperative, mga agricultural extension worker (AEW) mula sa mga bayan ng Alfonso at Amadeo sa Cavite at Padre Garcia sa Batangas.   

Nagkaroon ng participatory lecture-discussion at pagbisita sa mga taniman ni Engr. Reynald Ilagan, ang Classique Farm sa Batangas City, at isinagawa ng mga kasapi ng BONFAC ang mock peer review/inspection.  Dito ay kanilang isinagawa ang paghimay-himay sa mga proseso na isinasagawa sa nasabing farm upang malaman kung ang kanilang mga practices ay nakalinya sa Philippine National Standards on Organic Agriculture.   

Samantala ang grupo naman mula sa UPCAFA ay nagsagawa rin ng peer review sa Amadeo, Cavite. 

Nagpahayag ng suporta si DA-ATI CALABARZON Center Director Dr. Rolando V. Maningas at ipinahayag na nawa ang pagsasanay ay makatulong sa mga nasabing grupo upang mapaghandaan ang nalalapit na inspeksyon ng DA-Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) upang sila ay maging ganap na OCB. 

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga kawani mula sa Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng DA-ATI CALABARZON.  Samantala, nagsilbing mga resource person sina G. Arnaldo P. Gonzales at G. Labonera mula sa DA-RFO IV-A at Bb. Soledad E. Leal ng DA-ATI CALABARZON. 

Pinaunlakan naman ni Asst. Center Director Bb. Sherylou C. Alfaro ang pagsasara ng aktibidad at nagpahayag ng pagbati sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay. 

Ulat ni: Bb. Soledad Leal

 

 

article-seo
bad