DRRMIS para sa mga tekniko ng Laguna, tampok sa pagsasanay ng ATI CALABARZON

Wed, 10/30/2024 - 20:31
DDRIMS.jpg

 

PILA, Laguna – Sinanay ng DA-ATI CALABARZON ang mga tekniko sa lalawigan ng Laguna hinggil sa pagsusuri ng epekto ng mga natural na kalamidad sa sektor ng agrikultura at pangisdaan gamit ang Disaster Risk Reduction and Management Information System (DRRMIS).

Isinagawa ng ahensya ang huling pangkat ng “Seminar on the Use and Operation of the Disaster Risk Reduction and Management Information System (DRRMIS) for Rice and other Commodities,” noong ika-28 hanggang ika-29 ng Oktubre sa National Irrigation Administration (NIA) Region IV-A sa nasabing bayan. 

Nilahukan ang pagsasanay ng 38 mga Agricultural Extension Worker (AEW) mula sa iba’t ibang bayan sa Laguna.

Katuwang sa pagsasagawa ng pagsasanay ang DA-Regional Field Office IV-A, gayundin ang DA Central Office at NIA IV-A.

Nagsilbing tagapagtalakay sina G. Romuel De Borja Espinosa, Project Development Officer II mula sa DA Central Office; Bb. Suzette Claribelle Panopio, DRRM Focal Person; at John Carlo Navacan, Alternate DRRM Focal Person mula naman sa DA-RFO IV-A.

Sa pagtatapos ng nasabing seminar, ipinaabot ni Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ang kanyang pagbati at mensahe ng pagsuporta. Aniya, “Nagagalak po kami sa ATI CALABARZON sa inisyatiba ng DA-RFO IV-A nang sila ay mag-request sa amin ng two batches ng ganitong seminar dahil ito’y napapanahon at kailangan ng ating mga tekniko dito sa ating rehiyon.”

Ulat ni Bb. Mary Grace Leidia


 

article-seo
bad