21 Development Management Students, Sasailalim sa OJT Program

Thu, 03/10/2022 - 10:38
21 Development Management Students, Sasailalim sa OJT Program

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Bilang capacity-builder at catalyst ng extension system, ang Agricultural Training Institute sa CALABARZON ay tumanggap ng dalawampu’t-isang (21) ‘student-trainees’ mula sa College of Economics, Management and Development Studies ng Cavite State University - Indang Campus.

Sa kanyang mensahe sa isinagawang orientation, binigyang-diin ni Assistant Center Director, Dr. Rolando Maningas na sa kabila ng limitasyon ng pandemya, sisiguruhin ng ahensya na gagamit ng iba’t-ibang pamamaraan upang maging makabuluhan ang training ng mga estudyante.

Sa gitnang bahagi ng programa, inilatag naman ni Dr. Maningas ang mekaniks at iskedyul ng On-The-Job training program. Samantala, nagpasalamat ang OJT Coordinator mula a CvSU na si Ms. Mailah Ulep para sa kolaborasyon ng Department of Development Studies para sa programang ito. Sa huli ay binigyan niya ng hamon ang mga estudyante na makapagbigay ng kalidad na kontribusyon sa ahensya.

Ang orientation na naganap noong ika-9 ng Marso 2022 sa pamamagitan ng Zoom platform ay dinaluhan ng Section at Unit Chiefs ng ATI CALABARZON. Ang internship program ay gagawin online, mula ika-14 ng Marso hanggang ika-17 ng Hunyo 2022.

Ulat ni: Julie Ann A. Tolentino

article-seo
bad