Agricultural Extension Workers mula sa Cavite at Quezon, Mga Bagong Tagapagsanay sa Produksyon ng Mais

Mon, 04/25/2022 - 15:19
Agricultural Extension Workers mula sa Cavite at Quezon, Mga Bagong Tagapagsanay sa Produksyon ng Mais

Isinagawa ng ATI CALABARZON ang ikalawang pangkat ng “Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Teknolohiya ng Produksyon ng Mais, Mekanisasiyon at Negosyong Pag-unlad” noong ika–18 hanggang ika–22 ng Abril, 2022. May kabuuang labinsiyam (19) na Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa lalawigan ng Cavite at Quezon ang nagsipagtapos sa pagsasanay.

Naging tagapagtalakay sa limang (5) araw na pagsasanay sina Dr. Eduardo R. Lalas ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IV-A, Bb Cynthia N. Lucido ng Office of the Municipal Agriculturist - Tanauan, Bb Madeliene C. Pelipada ng Calamba City Agricultural Services Department, G. Rocan B. Pangan ng University of Rizal System, G. Ronald B. Balmes ng DA - Quezon Agricultural Research and Experiment Station, Engr. John M. Mendoza at G. Roy Roger Victoria II mula sa ATI CALABARZON.

Bawat kalahok ay nagkaroon din ng kanya-kanyang paksa na itinalakay sa micro-teaching activity upang makita ang kanilang kahusayan sa pagtuturo at maibahagi sa mga magsasaka sa kanilang lugar.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe si ATI CALABARZON Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas kung saan binigiyang-diin niya na ang mga kalahok ay magiging mabuting instrumento upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka ng mais.

Ang pagsasanay ay naglalayon na maiangat ang siyentipikong kakayahan, teknikal at pagne-negosyong kaalaman ng mga kalahok sa produksyon ng mais, postharvest handling at mekanisasyon sa pagsasaka kabilang na ang marketing upang ito ay maibahagi sa kani-kanilang lokalidad. Ang mga nagsipagtapos ay nakatanggap ng 14 Continuing Professional Development (CPD) units mula sa pagsasanay na ito.

Ulat ni: Daynon Kristoff S. Imperial

article-seo
bad