TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) sa CALABARZON ang unang pangkat ng Pagsasanay sa “Extension and Training Management Capability Development (ETMCD) Course for Agricultural Extension Workers” na ginanap sa pamamagitan ng Zoom Application at ATI IV – A Training Hall, mula ika-4 hanggang ika-31 ng Mayo, 2022. Ang pagsasanay ay nilahukan ng dalwampu’t isang (21) teknikong pang agricultural o Agricultural Extension Workers mula sa iba’t-ibang lalawigan at bayan ng Cavite, Laguna at Quezon at ng ATI 4A.
Ang nabanggit na pagsasanay ay naglalayon na mapalawig ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok na AEW sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at iba't ibang mga gawaing pang ekstensyon sa kani kanilang lugar. Ang mga modyul na itinuro sa mga kalahok ay mula sa nabuong Training Curriculum ng mga technical staff ng ATICalabarzon sa patnubay ng pamununuan ng ahensya.
Maliban sa pagtatalakay ng mga paksa mula sa modyul na nabuo ay nagkaroon din ng Community Immersion ang mga kalahok sa ilang mga piling barangay upang magamit ang kanilang natutunan at masanay sa iba’t ibang pamamaraan ng Participatory Rapid Rural Appraisal.
Nagkaroon din ng microteaching ang mga kalahok bilang parte ng kanilang kurso na kung saan sila ay nagtalakay ng kanilang mga napiling paksa biglang pagsasanay nila na maging tagapagtalakay ng mga paksa bilang parte din ng kasanayan na makikita sa isang epektibong AEW.
Sa pagtatapos, nabahagi ng isa sa mga kalahok na si Nicole Satsatin ng City Agriculture Office ng General Trias Cavite na: “Ang training course pong ito ay sobrang relevant sa amin as AEWs, kaya’t ako po ay maswerte dahil napasama ako sa 2022 ETMCD Batch 1. Ang galing! Siguro bukas pagpasok ko sa aming opisina ay mas pinalupet o “evolved” na NICOLE na ang makakasama nila na kayang harapin lahat ng challenges bilang AEWs.”
Nagpahatid din ng mensahe ng pagbati at paghamon si OIC, Center Director Rolando V. Maningas, PhD ng ATI IV-A para sa 21 na nagtapos na magsisilbing bagong henerasyon ng AEWs na haharap sa mga hamon ng pagbibigay ng serbisyo sa larangan ng ekstensyon sa rehiyon.
Ang pagsasanay na ito ay may kalakip na 30 CPD (Continuing Professional Development) units para sa mga lisensyadong Agriculturists.
Ulat ni: Engr. John Mendoza