Batangas Province - Bilang paghahanda sa Binhi ng Pag-asa (BNP) Program, ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, sa pangunguna ni OIC, Center Director, Rolando V. Maningas PhD ay nagsagawa ng Consultative Meeting para sa lalawigan ng Batangas sa DA-LARES Conference Hall, Lipa City, Batangas.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga Municipal Agriculturists at Young Farmer Coordinators mula sa bawat bayan ng probinsya. Katuwang din sa pagpa-plano ang Provincial Agriculture Office at Office of the Provincial Veterinarian ng Batangas para sa mas kumprehensibong pagpapatupad ng mga mapipiling proyekto.
Pinagusapan sa nasabing aktibidad ang pagpili ng angkop na proyekto, skedule ng pagsasanay at bilang ng mga magiging kalahok sa bawat bayan na kasama sa programa. Kaisa sa pagpapadaloy ng workshop activities ang former Center Director ng ATI CALABARZON na si Gng. Marites Piamonte-Cosico.
Ang konsultasyon ay naganap noong ika-7 ng Hunyo 2022.