Kaalaman at Kasanayan sa Paggugulayan, Mas Pinahusay sa Pagsasanay ng GAP

Mon, 07/04/2022 - 17:56
Kaalaman at Kasanayan sa Paggugulayan, Mas Pinahusay sa Pagsasanay ng GAP

Bilang pagsuporta sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ng Department of Agriculture (DA), isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang Training on Good Agricultural Practices (GAP) for Vegetables noong ika-27 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2022 sa APA Farms, Brgy. Coralao, Majayjay, Laguna. Ito ay nilahukan ng tatlumpung (30) magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Liliw, Laguna.

Nagkaroon ng talakayan ukol sa pamantayan ng GAP na nakatuon sa paggugulayan. Nagsilbing mga tagapagtalakay mula sa Bureau of Plant Industry – Manila sina G. Samuel Fontanilla, G. Darrell Benedicto at G. Kevin Quiñones. Ibinahagi din ang marketing strategies on vegetables ni Gng. Frances Marie O. Fajardo mula sa Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA Region IV-A. Samantala, binista ng mga kalahok ang Gintong Bukid Farm and Leisure, isang GAP certified farm sa Brgy. Buboy, Nagcarlan, Laguna, kasama si G. Zaldy Calderon, Regional GAP Focal Person mula sa DA Region IV-A, upang magkaroon ng kabuuang pananaw at mga payo ang mga kalahok sa pagsertipika ng kanilang mga taniman.

Nagpasalamat naman si Bb. Eunice Hormillado, Municipal Agriculturist ng Liliw sa pagbibigay ng ganitong kasanayan sa kanilang mga magsasaka. Dadag pa rito, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta si Engr. Redelliza A. Gruezo, Field Operations Chief ng DA Region IV-A sa adhikain na mas marami pang magsasaka ang maabot ng mga de-kalidad na pagsasanay.

Pinangunahan ni ATI CALABARZON OIC Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang pagtatapos ng pagsasanay. Nagpasalamat siya sa mga kalahok at binigyang-diin ang kahalagahan ng GAP sa kanilang mga taniman. Layunin ng pagsasanay na madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga pamantayang isinasaad sa Philippine National Standards on GAP for Fruits and Vegetables.

Ulat ni: Soledad E. Leal

article-seo
bad