Agricultural Extension Workers, Nagsanay tungkol sa Teknolohiya at Value Chain ng Mais

Mon, 07/11/2022 - 12:17
Agricultural Extension Workers, Nagsanay tungkol sa Teknolohiya at Value Chain ng Mais

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isinagawa ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON ang ikatlong pangkat ng “Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Teknolohiya ng Produksiyon ng Mais, Mekanisasiyon, at Negosyong Pag-unlad” para sa 20 Agricultural Extension Workers (AEWs) ng mais.

Ang mga nagsipagtapos ay mula sa probinsiya ng Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ang pagsasanay ay naglalayon na maiangat ang teknikal na kaalaman, siyentipikong kakayahan at ang pagnenegosyong kaalaman ng mga kalahok sa produksyon ng mais, postharvest handling, at mekanisasyon sa pagsasaka kabilang na ang marketing upang ito maibahagi nila sa kanilang lugar na pinagsisilbihan at tuluyan ng magkaroon ng masaganang ani at mataas n akita sa pagmamaisan. Bawat kalahok ay nagkaroon din ng kanya-kanyang paksa na itinalakay sa micro-teaching activity upang makita ang kanilang kahusayan sa pagtuturo at ito maibahagi nila sa mga magsasaka sa kanilang lugar.

Nagsilbing tagapagtalakay ng iba’t ibang paksa sina Dr. Eduardo R. Lalas ng DA RFO 4A, Bb Cynthia N. Lucido ng OMA Tanauan, Bb Madeliene C. Pelipada ng CASD, G. Rocan B. Pangan ng University of Rizal System, G. Ronald B. Balmes ng DA- Quezon Agricultural Research and Experiment Station, Engr. John M. Mendoza at G. Roy Roger Victoria II ng ATICalabarzon.

Nagbahagi ang ilan sa mga piling kalahok na sina G. Jhon Albert D. Alcantara, Bb. Jonadeth A. Royo at G. Jhon Albert D. Alcanta ng kanilang mga impresyon sa natapos na pagsasanay. Ang Chief ng CDMSS, ATICalabarzon na si Bb. Vira Elyssa L. Jamolin ay nagpaabot din ng mensahe sa mga kalahok. Aniya, “Sa tulong ng pagsasanay, nadagdagan ang kaalaman at kahusayan ninyo sa pagmamais na na tutulong upang maging mabubuting Agricultural Extenstion Worker kayo, at kalaunan, makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating magsasaka ng mais.

Ang mga nagsipagtapos ay nakatanggap ng 14 CPD units mula sa pagsasanay na ito. Isinagawa ang pagsasanay noong ika-8 ng Hulyo 2022 sa ATI IV-A Training Center sa syudad na ito.

Sa ulat ni: Daynon Kristoff Imperial

article-seo
bad