Teknikong Pansakahan mula sa CALABARZON, sinanay ukol sa Rice Integrated Pest Management (IPM)

Fri, 07/15/2022 - 13:45
Teknikong Pansakahan mula sa CALABARZON, sinanay ukol sa Rice Integrated Pest Management (IPM)

TAAL, Batangas - Dalwampu’t – limang (25) Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa iba’t – ibang bayan ng rehiyong CALABARZON ang nagsipagtapos sa ikalawang batch ng "Refresher Course for Agricultural Extension Workers (Approaches to Rice Integrated Pest Management)” noong ika-11 hanggang ika-14 ng Hulyo, 2022 sa Taal Maranan’s Farmville.

Ang apat na araw na pagsasanay ay isinagawa ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng DA-Regional Crop Protection Center Region IVA (DA-RCPC IVA). Layunin ng nasabing pagsasanay na maturuan ang mga kalahok sa tamang pagkilala ng mga peste at sakit ng palay at mga paraan kung paano ito pamamahalaan.

Ibinahagi ng tagapagtalakay mula sa DA-RCPC na sina Bb. Sierralyn S. Sandoval, Bb. Pamela Marasigan at Bb. Madora Abril Gallegos ang Integrated Pest Management o IPM at mga peste sa palay maging ang mga sakit at paano ito mapapamahalaan. Samantala, tinalakay naman ni G. Joe Kim Cristal mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Candelaria, Quezon ang pamamahala sa ibon, daga at kuhol kasama na rin ang Agroecosystem Analysis (AESA) at PalayCheck Keycheck 7 mula sa 2020 revised edition ng Sistemang PalayCheck. Idagdag pa ang mga Information and Communications Technology (ICT) based tools on Rice tulad ng Rice Doctor, eDamuhan, Binhing Palay app at marami pang iba.

Pinangunahan ni ATI CALABARZON OIC, Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang pagtatapos ng pagsasanay.Nagpasalamat din siya sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay.

Ang Refresher Course for AEWs (Approaches to Rice Integrated Pest Management) ay isang accredited training program ng Professional Regulation Commission kung saan ang mga kalahok ay makakatanggap ng 13 Continuing Professional Development (CPD) points.

Ulat ni: Bb. Mary Grace Leidia

article-seo
bad