20 Tekniko Sinanay ukol sa Animal Waste Management and Utilization

Mon, 10/03/2022 - 16:45
Training on Animal Waste Management and Utilization

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Dalawampung tekniko (20) mula sa iba’t ibang bayan sa CALABARZON ang sinanay sa Training on Animal Waste Production and Management. Ang pagsasanay ay naglalayon na dagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga nasabing tekniko ukol sa Animal Waste and Utilization.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, nagbahagi ng kanilang kaalaman sina Bb. Lizbeth L. David, Training Specialist II ng ATI IVA, Bb. Marjo P. Mojica mula sa Opisina ng Panlalawigang Beterinaryo ng Kabite at G. Red Dela Cruz Lim ng Bureau of Animal Industry. Kanilang tinalakay ang mga paksa ukol sa Climate Change, Animal Waste Utilization and Management. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na mahasa ang kanilang kasanayan sa pamamagitan ng isang hands-on activity sa pagawa ng home-made biodigester.

Sa pagtatapos na programa nagbigay ng mensahe ng paghamon at pasasalamat si Dr. Rolando V. Maningas, OIC, Training Center Superintendent II ng ATI IVA.

Ang nasabing pagsasanay ay mayroong kaukulang 8 CPD units para sa mga lisensyadong agrikultor. Ginanap ang pagsasanay noong ika-28 ng Setyembre hangang ika-30 ng Setyembre 2022 sa ATI IVA 4H hub sa lungsod na ito.

 Ulat ni: Marian Lovella Parot 

article-seo
bad