LOPEZ at ALABAT, QUEZON – Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang ikatlo at ikaapat na pangkat ng “Information Caravan on Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (CFITF) noong ika-21 ng Setyembre, 2022 sa bayan ng Lopez at ika-23 ng Setyembre, 2022 sa isla ng Alabat, sa lalawigan ng Quezon. Ang ikatlong information caravan ay dinaluhan ng mga magniniyog mula sa mga bayan ng Lopez, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Plaridel at Tagkawayan. Samantala, ang ikaapat naman ay dinaluhan ng mga magniniyog mula sa mga isla ng Perez, Quezon at Alabat
Nagbigay ng pambungad na mensahe si Hon. Rachel Ubana, alkalde ng Lopez, sa mga dumalo. Nagpahayag naman ng suporta si Hon. Jose Ramil Arquiza, alkalde ng Alabat, para sa lumahok sa ikaapat na pangkat ng information caravan.
Kasama ng ATI CALABARZON ang iba’t ibang ahensya upang mas lalong mapalawak at maihatid sa mga magniniyog ang kaalaman ukol sa Republic Act 11524 o mas kilala bilang CFITF. Nagkaroon din ng malayang talakayan na kung saan sinagot ng mga kawani mula sa mga tagapagpatupad na ahensya ang mga katanungan ng bawat magniniyog. Nakasama sa Information Caravan on CFITF ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture Regional Field Office IV-A High Value Crops Development Program, Philippine Crop Insurance Corporation Region IV, Philippine Health Insurance Corporation, Technical Education and Skills Development Authority Quezon, Department of Trade and Industry Quezon, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, Landbank of the Philippines, National Dairy Authority South Luzon, Cooperative Development Authority Region IV at Philippine Coconut Authority Region IV.
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si ATI CALABARZON OIC Training Center Superintentdent II Dr. Rolando V. Maningas sa mga kalahok, tagapagpatupad na ahensya at lokal na pamahalaan para sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.