ATI Nagsagawa ng Information Caravan para sa mga Magniniyog ng Batangas at Laguna

Wed, 10/26/2022 - 10:33
CFIDP sa Rosario, Batangas

CALABARZON- Isinagawa ang huling batch ng Information Caravan on "Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (CFITF)” sa probinsiya ng Laguna sa bayan ng Nagcarlan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng DA- Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON, katuwang ang Philippine Coconut Authority Region IV.

Masayang sinalubong ng Municipal Mayor ng Nagcarlan na si Hon. Elmor V. Vita ang mga dumalo, at nagpaabot naman ng mensahe ang gobernador ng lalawigan, Hon. Ramil L. Hernandez, na kinatawan ni G. Dennis Villavecer. Nagpahayag naman ng buong suporta ang Regional Manager ng PCA IV, G. Bibiano Concibido Jr.

Humigit-kumulang 54 na magniniyog mula sa ibat-ibang bayan ng Laguna ang nakiisa at nakinig sa mga programa sa ilalim ng CFIDP na siyang inilahad ng Training Specialist III ng DA-ATI CALABARZON na si, Bb. Vira Elyssa Jamolin

Nagkaroon din ng open forum ang naturang aktibidad na kung saan sinagot ng labing isa (11) na kinatawan ng mga tagapagpatupad na ahensyang magsasagawa ng mga programang nakapaloob sa Republic Act 11524 o mas kilala bilang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (CFITF). Ang mga katanungan ng mga magniniyog.

Samantala, isinagawa ang parehong aktibidad sa probinsya ng Batangas, sa bayan naman ng Rosario. Ang mga kalahok ay nagmula sa 16 na bayan ng lalawigan ng Batangas.

Masayang sinalubong ng Municipal Vice Mayor ng Rosario na si KGG. Atanacio G. Zara ang mga dumalo, at nagbigay naman ng mensahe  ang  punong bayan na si KGG. Leovigildo K. Morpe.  Nagpa-abot din ng mensahe ang presidente ng liga ng mga Vice Mayor sa lalawigan na si Hon. Jay M. Ilgan  ng Mataas na Kahoy. Nagpahayag naman ng buong suporta ang Regional Manager ng PCA IV, G. Bibiano Concibido Jr.

Layunin ng gawain na ibahagi ang mga programa at serbisyo sa ilalim ng RA 11524 o mas kilala bilang CFITF sa mga benepisyaryo nito.

Isinagawa ang information caravan noong ika-12 ng Oktubre sa Batangas at ika-15 naman ng Oktubre sa Laguna.

Ulat ni Hans Christopher Flores

article-seo
bad