Mga Magsasaka ng Infanta, Quezon, Sinanay ukol sa Organikong Pagsasaka

Mon, 11/07/2022 - 11:36
Mga Magsasaka ng Infanta, Quezon, Sinanay ukol sa Organikong Pagsasaka

INFANTA, Quezon - Bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng 8th National Organic Agriculture (OA) Month na may temang “Maunlad na Pagsasaka, Garantisado sa Organikong Agrikulturang Sinaliksik”, isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang Training on OA Production Technologies na nakatuon sa "Compost Production & Utilization at Food Always in the Home Program” sa bayan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon.

 

Ang dalawang (2) araw na pagsasanay ay dinaluhan ng dalawampu’t limang (25) magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng nasabing bayan.  Nagkaroon ng pagtalakay ukol sa Composting, Vermicomposting, OA and Principles, Organic Concoctions, Organic Amendments at Cultural Management ukol sa paggugulayan.  Nagkaroon din ng pakitang-gawa ukol sa paggawa ng compost at organic concoctions at paggamit ng shredding machine. 

 

Sa pagtatapos ng nasabing pagsasanay, nagbahagi ng impresyon si G. Mateo Tropicales, aniya, "Maraming salamat sa mga bumubuo ng pagsasanay na ito. Napakahalaga nito sa amin dahil nadagdagan ang aming kaalaman sa organikong pagsasaka. Ang lahat ng ito ay aming isasapuso at gagawin sa aming mga taniman." Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni G. Angelo Jhon A. Aquino, na nagsilbi ring tagapagtalakay kasama si G. Carmelo Francia.

 

Ang pagsasanay ay pinamahalaan ng mga kawani mula sa Partnerships and Accreditation Section ng DA-ATI CALABARZON.

 

 

Ulat ni: Soledad E. Leal

article-seo
bad