TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Dalawampung (20) Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa CALABARZON at piling kawani ng DA-ATI IV-A ang lumahok sa tatlong araw na pagsasanay na may titulong “Training on Farm Management.”
Layunin ng pagsasanay na magbigay ng pangunahing kaalaman at kasanayan sa pamamahala ng isang sakahan upang maging produktibo at kapaki-pakinabang. Nagsilbing tagapagtalakay si Gng. Gloria "Ka Gigi" Morris mula sa Moca Family Farm RLearning Center at kanyang tinalakay ang pagplaplano, organisa, leader entrepreneurship, pagkokontrol at iba't iba pang istratehiya ng pamamahala sa sakahan.
Lubos ang naging pasasalamat ng mga naging kalahok sa oportunidad na mapabilang sa pagsasanay. “Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng bumubuong pagsasanay na ito at madami po akong natutunan. Training like this made me confident that I will be equipped in all the learnings that I will be needed to be a good AEW,” ani AurelynTolentino, AEW mula sa Sta. Cruz, Laguna
Pinangunahan ng Career Development Management Section (CDMS) ng ATICALABARZON ang pangangasiwa ng pagsasanay. Bilang pagsuporta sa programa, nagpaabot ng mensahe si Dr. Rolando V. Maningas, OIC TCS II/Center Director.
Ang Training on Farm Management ay ginanap noong ika-26 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Oktubre 2022 sa lungsod na ito.
Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial