Pagsasanay sa Canva, isinagawa para sa mga FITS Centers ng CALABARZON

Mon, 11/14/2022 - 15:01
Pagsasanay sa Canva, isinagawa para sa mga FITS Centers ng CALABARZON

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Pinangunahan ng DA-ATI CALABARZON ang “Training Course on Information, Education and Communication (IEC) materials Development using Online Graphic Design Platform” na isinagawa sa 4H Hub DA ATI IV-A, Trece Martires City, Cavite.

Sa pagbubukas ng programa, mainit  na tinanggap ni OIC, Training Center Superintendent I/ Asst. Center Director ng DA-ATI CALABARZON na si Bb. Sherylou C. Alfaro ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. 

Sa unang araw, nagbigay ng pagtalakay si Bb. Jamila Monette Balmeo, Information Officer II, patungkol sa paksang “Introduction to IEC materials Development.”

Nagbigay naman ng mahahalagang impormasyon si Media Production Assistant, G. John Wilson Serdon mula sa DA ATI IV-A patungkol sa paksang “Elements and Principles of Graphic Design.”

Samantala, pinangunahan naman ni G. Joe Kim Cristal mula sa FITS Center Candelaria, Quezon ang paksang “Graphic Design and Development of IEC materials using Canva.” Gamit ang Canva, isang libreng online graphic design platform, ang mga kalahok ay matagumpay na nakabuo ng mga corporate brochures at mga techno guide IEC materials bilang kinakailangan ng pagsasanay. 

“Canva is a hero,” saad ni Bb. Paula Gie Dacusin mula sa Cavite State University FITS Kiosk, sa kanyang karanasan bilang kalahok ng “Training Course on IEC materials Development using Online Graphic Design Platform (Beginner Level).”

Dagdag pa ni Paula, napagyaman ang kanyang kasanayan at kaalaman sa paggawa ng IEC materials gamit ang Canva. 

Bilang kinatawan ng ahensya, nagbigay ng mahlagang mensahe si OIC, ISS Chief Bb. Maridelle Jaurigue sa mga kalahok. Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mga kalahok ay nakatanggap din ng 6 Continuing Professional Development (CPD) credit points.

Ginanap ang pagsasanay noong ika-8 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2022.

article-seo
bad