ATI Calabarzon, Nagsagawa ng Unang Pagsasanay ng SSNM sa Mais

Tue, 11/15/2022 - 10:53
Ang mga kalahok habang may field activity

TAYABAS CITY, Quezon - Pinangunahan ng DA-ATI CALABARZON, sa pamamagitan ng Career Development and Management Section (CDMS) ang pagpapadaloy ng “Training on Site Specific Nutrient Management (SSNM) Nutrient Expert® for Maize.” Ang tatlong araw na pagsasanay ay dinaluhan ng 20 Agricultural Extension Workers (AEWs) ng CALABARZON.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang regional core team at mga magiging tagapagsanay sa SSNM for Maize Production at paggamit ng Nutrient Expert® for Maize.

Ang mga kalahok ay malinaw na naunawaan ang kalagayan ng industriya ng mais sa rehiyon. Ang bawat aktibidad sa pagsasanay ay naka-ayon sa SSNM Management Principles at ang pagkakaiba-iba ng result anito sa Hybrid, Open-pollinated Variety at Tradisyunal.

Ang tamang pamamahala ng abono, pag-uuri ng binhing gagamitin at ang kinapapalooban ng software na Nutrient Expert® para sa mais ay tinalakay din sa nasabing pagsasanay. Ang mga paksang ito ang nakatulong sa mga kalahok sa kanilang ginawang panayam sa mga magsasaka ng mais sa ng Tayabas City, Quezon.

Nag-iwan naman ng pabaong mensahe ang Chief ng Career, Development and Management Section (CDMS) ng ATI CALABARZON na si Bb. Vira Jamolin. Naglahad din siya ng pagsuporta at importansya ng SSNM at kung paano ito makakatulong sa ating mga magsasaka ng mais. Ang pagsasanay ay isinagawa noong noong Nobyembre 9 – 11, 2022.

Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial 

article-seo
bad