Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Organic Agriculture (OA) Month na may temang, “Maunlad na Pagsasaka, Garantisado sa Organikong Agrikulturang Sinaliksik,” isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang Ekstensyonistang OA 2022, isang online quiz contest para sa Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa rehiyon ng CALABARZON. Ang naturang quiz bee na nasa ikatlong taon ay tumuon sa mga teknolohiya at kasanayan ukol sa organikong pagsasaka. Nagsilbing arbiters sina Dr. Juanita San Jose ng Southern Luzon State University at G. Brian Belen mula naman sa ABF Integrated Farms and Agribusiness Center. Dumalo rin sa patimpalak si Bb. Eda Dimapilis, ang Regional OA Focal Person ng DA – Regional Field Office IV-A at nagbigay ng mensahe sa mga kalahok.
Itinanghal na Ekstensyonistang OA 2022 si Bb. Sheryl Toledo mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Quezon. Samantala ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng AEWs mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Narito rin ang tala ng mga nagwagi:
2nd place - Leonilyn Castones – OPA Quezon
3RD place - Marites Valencia - OCA Cabuyao
4th place – Maria Pilar C. Pablo – OPA Rizal
5th place - Patricia Obico - OMA Alaminos
6th place - John Raymond Bonita - OCA Antipolo
7th place - Jerick Amparo - OMA Amadeo
8th place - Mark Andray Palicipic - OMA Sta. Maria
9th place - Mark Jude Paul Ancheta - OCA Antipolo
10th place - Julie Rose Topacio - OMA Teresa
“I hope na ang paligsahang ito ay nakapaghatid ng saya at naging makabuluhan dahil hindi lang mga kalahok ang nakikinabang dito kundi pati na rin ang mga tao na nasa likod ng aktibidad na ito. Kaya walang uuwing talo dahil ang pagtanggap niyo pa lamang sa hamong ito at pagpapakita ng dedikasyon ng bawat AEW ng CALABARZON bilang mga Ekstensyonistang Panalo!” saad ni DA-ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas sa kanyang pangwakas na pananalita.