Unang In-House Assessment sa DA-ATI, pinangunahan ng DA-ATI CALABARZON

Mon, 11/28/2022 - 14:02
Unang In-House Assessment sa DA-ATI pinangunahan ng DA-ATI CALABARZON

 TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Upang isulong ang , pinangunahan ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute CALABARZON ang kauna-unahang In-House Assessment noong ika-25 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon. 

Sa temang “Fostering Empowerment through Revitalized Services,” layon ng gawain na ibahagi at bigyan pagkilala ang mga proyekto, inobasyon, at pangekstensyon na gawain ng iba’t ibang seksyon mula sa Information Services Section (ISS); Partnership and Accreditation Section (PAS); Career Development and Management Section (CDMS); Planning, Monitoring and Evaluation Unit (PMEU); at Administrative and Finance unit (AFU). Ayon pa kay Gng. Sherylou C. Alfaro, OIC Training Center Superintendent I/Asst. Center Director at Project Officer, layunin din ng gawain na pagyamanin ang samahan ng bawat kawani at seksyon sa pamamagitan ng patimpalak na “Best Project Paper” at “Best Project Poster”.

Ipinaabot naman ni OIC, Training Center Superintendent II/ Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang pagsuporta sa bawat kawani ng ahensya. Gayunrin, kanyang ibinahagi ang kahalagahan ng “winning mentality”.

Nagsilbing tagasuri at ebalwator si OIC-Deputy Director Antonieta J. Arceo, STAARRDEC Deputy Consortium Director Lorna Matel, at Chairperson ng Costales Nature Farm Josephine Costales. Sila nagbigay ng mahalagang komento at mungkahi sa bawat tagapagtalakay at kinatawan ng seksyon. 

Kinatawan ni Bb. Vira Elyssa Jamolin ang CDMS at tinalakay ang “Extension and Training Management Capability Development (ETMCD) Course: Developing New Breed of Adaptive AEWs through Knowledge Mentoring and Exchange.” Samantala, kinatawan naman ni Bb. Juvelyn Dela Cruz ang PMEU at ibinahagi ang “CPD: Future-proofing your Profession”. Binigyan-pokus ng ISS sa pangunguna ni Bb. Maridelle Jaurigue ang social media sa pamamagitan ng “Social Media for Governance: Keeping Citizens Engaged and Empowered”.

Nagwagi naman ang PAS sa pamamagitan ni Bb. Soledad Leal sa kategoryang “Best Project Poster” na proyektong: Halamanan sa Bahay- Kalinga Buhay at Malasakit: ATIng Pagyamanin. Nasungkit naman ng AFU ang “Best Project Paper” sa proyektong “Improving Productivity and Efficiency through the Use of a Computer-Based “Transaction Monitoring Tool (TMT)”.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Bb. Julie Ann Tolentino,mula sa AFU, na hindi nila inaasahan ang pagkapanalo sa nasabing gawain ngunit sa pagsisikap ng bawat miyembro ng kanilang sekyon ay nagbunga ito at nakamit ang tagumpay.

article-seo
bad