TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Nagtitipon-tipon ang aktibong 31 iskolar sa ilalim ng Educational Assistance for the Youth in Agriculture (EAsY Agri) Batch 1-2 at Educational Grants for Extension Workers (EdGE) para sa year-end assessment na pinangunahan ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON mula ika-3 Disyembre hanggang ika-4 ng Disyembre taong kasalukuyan.
Pinasinayanan ng Career Development and Management Section (CDMS) ang aktibidad na naglalayong pahusayin ang kakayahan ng mga iskolar sa teknikal na pagsulat. Naging tagapagsalita sa nasabing paksa si Dr. Lloyd Balinado mula sa Cavite State University (CvSU).
“Nagpapasalamat po kami sa naging resource speaker sa topic na, ‘How to make a Good Research Paper,’ marami po kaming natutunan na magagamit namin sa mga susunod na araw dahil kami po ay nag start na gumawa ng research title,” ani Bb. Carmin Cayetano mula sa San Pablo City, Laguna.
Gayundin, naging bahagi ng pagsasanay na subaybayan at suriin ang pag-unlad ng pagpapatupad ng programa at magrekomenda ng mga kaugnay na aktibidad sa darating na taon.
Isa rin sa naging pokus ng gawain ay ang paggawad ni OIC, Training Center Superintendent II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas ng mga buwanang allowance ng mga bawat iskolar at pagbibigay ng mensahe sa mga ito.
Isinagawa ang dalawang araw na pagsasanay DA-ATI CALABARZON Training Hall, Trece Martires City, Cavite.
Ulat ni: Roy Roger Victoria II