DA-ATI CALABARZON, Buo ang Suporta sa Kampanya Laban sa VAW

Fri, 12/09/2022 - 12:08
DA-ATI CALABARZON Buo ang Suporta sa Kampanya Laban sa VAW.jpg

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – “Napagtanto ko ang lawak ng karapatan ng bawat individual with regards to VAW (Violence Against Women). Ito din ay may kaakibat na mabigat na parusa kung mapapatunayan. Kaya pag-isipan muna ang mga salita at kilos,” ani Bb. Ma. Cristina B. Erni sa kanyang napulot na kaalaman sa isang araw na seminar na “Vow to End VAW: A Seminar on Anti-VAW Laws.” Ito ay pinangunahan ng Administrative and Finance Unit (AFU) mula sa Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA- ATI) CALABARZON.

Ayon kay Gng. Julie Ann A. Tolentino, Chief ng AFU at Project Officer ng nasabing gawain, ito ay pakikiisa ng ahensya sa 18-day campaign to end Violence Against Women (VAW) na may temang, “UNiTEd for a VAW-free.” Nagkaroon din ng pagbubukas ng programa noong ika- 28 ng Nobyembre sa pasilidad ng ahensya na pinangunahan ni OIC, Training Center Superintendent II/Center Director Dr. Rolando V. Maningas kasama ang mga kawani ng ahensya.

Upang mapatibay ang kaalaman ng mga kalahok sa batas at karahasan na nararanasan ng mga kababaihan at kabataan, nagbigay ng oryentasyon si Police Corporal (PCpl.) Rachel F. Echano mula sa Philippine National Police (PNP) Trece Martires City Station ng mahahalagang bahagi ng batas na Republic Act (RA) 9262 o the Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act of 2004 at Republic Act (RA) 11313 o the Safe Spaces Act, o mas kilala sa tawag na Bawal Bastos Law.

Nagkaroon naman ng demonstrasyon na pinangunahan ni Bb. Wynzeth Ramos, Media Production Assistant at isa ring karate black belter, sa mga kalahok ng basic self-defense.

Aktibong lumahok ang 50 na mga kawani ng DA-ATI CALABARZON sa nasabing gawain. “Nalaman ko na maaari tayong magreport tungkol sa “abuse” or pananakit, kahit hindi tayo directly involved dito. Kailangan ng proper assessment if ito’y disiplina or pananakit or kung ano ang puno’t dulo nito. Ito ay under the Law “Public Violence,” pagbabahagi ni Bb. Erni matapos ang nasabing gawain.

Ang pagsasanay ay bilang bahagi ng inisyatibo ng ahensya sa nasabing nasyonal na gawain. Ang mga kawani rin ay magpapakita ng pagsuporta sa gawain sa pamamagitan ng pagsuot ng “Orange your ICON Advocacy” mula ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre tuwing Biyernes.

Isinagawa ang pagsasanay sa DA-ATI CALABARZON Training Hall, Trece Martires City, Cavite noong ika-2 ng Disyembre 2022.

article-seo
bad