TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Kinilala ng DA-Agricultural Training Institute-CALABARZON ang mga kontribusyon at pagpupunyagi ng mga "Natatanging Kaagapay na Agricultural Extension Workers" sa panlalawigan at pambayang lebel na kaagapay sa pagpapahatid ng mga pagsasanay at serbisyong pang-ekstensyon sa katatapos na ATIng Parangal 2022.
Ang Parangal ay may temang, “Sama-samang Pagbangon sa Pandemya Tungo sa Mabisang Ekstensyon sa Agrikultura" na ginanap sa Training Grounds ng ahensya noong ika-12 ng Disyembre 2022.
Dumalo sa pagtitipon ang Presidente ng Cavite State University (CvSU), Dr. Hernando Robles, Chief of Staff ni Senator Villar, Atty. Rhaegaee Tamaña, at OIC-Assistant Director ng ATI Central Office, Ms. Antonieta Arceo. Sa pagsisimula ng programa, tumuon ang mensahe ni ATI CALABARZON OIC-Center Director, Dr. Rolando Maningas, sa layunin ng Parangal.
“Dahil sa inyong hindi matatawarang pagsisikap, kaya kayong lahat ay naririto ngayon, upang parangalan at kilalanin... KAYO ang aming piniling makasama at itampok sa espesyal na gabing ito dahil sa hindi masusukat na naibahagi ninyo sa progreso at tagumpay na tinatamasa ng ating Kagawaran.
Narito ang mga nagwagi sa Panlalawigan at Pambayang Kategorya mula sa iba’t-ibang banner programs ng ahensya:
Corn Program
Panlalawigang Kategorya: Engr. Anna Pamela G. Nova
High Value Crops Development Program
Panlalawigang Kategorya: Cynthia C. Perez
Pambayang Kategorya: Julie Ann E. Ceraos
Rice Program
Panlalawigang Kategorya: Lilian M. Telmo
Pambayang Kategorya: Joe Kim U. Cristal
Organic Agriculture Program
Panlalawigang Kategorya: Frene C. Dela Cruz
Pambayang Kategorya: Melanie B. Cortez
Youth Program
Pambayang Kategorya: Marites S. Malijan
Livestock Program
Pambayang Kategorya: Rex Joshua T. Lindo
Posthumous na Parangal: Leah A. Villanueva
Natatanging Kaagapay na Extension Partner:
MoCA Family Farm RLearning Center
Nagniningning na Butuin
Joel M. Alpay
Evangeline Roxas
Ginawaran din ng plake ng pasasalamat ang mga ahensya na may matibay na ugnayan sa DA-ATI CALABARZON, kabilang ang Lokal na na Pamahalaang Panlalawigan sa Agrikultura at Paghahayupan, Kaagapay na Pambansang Unibersidad, Kaagapay na Pambansang Ahensya, at mga Kaagapay sa mga Espesyal na Proyekto: Binhi ng Pag-asa Program, Binhi sa Pamayanan at Halamanan sa Bahay Kalinga, ALPAS COVID-19 (Back to Basics) BABay ASF, at Occupational Safety and Health (OSH).
Ang ATIng Parangal ay isinasagawa ng DA-Agricultural Training Institute CALABARZON tuwing ika-tatlong taon, bilang pagkilala sa katangi-tanging kontribusyon ng mga katuwang sa gawaing pang-ekstensyon at paghahayupan.