Local Farmer Technicians (LFTs): Mga Bagong Kaagapay sa Pagpapalay

Fri, 03/10/2023 - 08:17

Local Farmer Technicians (LFTs): Mga Bagong Kaagapay sa Pagpapalay

Local Farmer Technicians (LFTs): Mga Bagong Kaagapay sa Pagpapalay

 

LOS BAÑOS, Laguna - Ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON, sa pakikipagtulungan sa DA Regional Field Office (RFO) IV-A at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños, ay nagsagawa ng sampung (10) araw na “Specialized Training Course for New Local Farmer Technicians (LFTs)” sa Boy Scouts of the Philippines BP International Makiling, Brgy. Batong Malake, Jamboree Site, Los Baňos Laguna. May kabuuang labinsiyam (19) na bagong LFTs ang sinanay at aktibong gaganap ng kanilang mga tungkulin bilang rice extension agents sa iba't ibang bayan sa rehiyon ng CALABARZON.

Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta si DA ATI-CALABARZON Training Center Superintendent II / Center Director Dr. Rolando V. Maningas at nagpasalamat sa mga kalahok sa pagtugon sa programa. Aniya, “Inaasahan namin na magiging kapaki-pakinabang ang pagsasanay na ito at makakatulong para mas mapalawig ang inyong kakayahan sa paghatid ng serbisyong ekstensiyon sa ating mga magsasaka dito sa ating rehiyon.”

Upang makamit ang mga layunin, ang mga kalahok ay sinanay sa Rice-Based Production Technology. Ang revised 2020 version ng PalayCheck System ay ginamit sa pagpapakilala ng mga konsepto at prinsipyo ng produksyon ng bigas at upang ipakita ang modern rice production at post-production technologies. Ibinahagi rin sa mga kalahok ang kaalaman at kasanayan sa presentation at social technology skills para maging mabisa at mahusay na extension ng farmer to farmer.

Sa araw ng pagtatapos, ibinahagi ng mga piling kalahok ang pasasalamat at mahahalagang natutunan. Nagpaabot din ng pagbati at mensahe ng pagsuporta si Bb. Maricris Ite, Senior Agriculturist ng DA RFO IVA, at G. Wilfredo Collado ng PhilRice Los Baños. Bilang pangwakas, nagbigay ng pagbati at mensahe si Dr. Maningas sa mga nagsipagtapos na bagong LFT ng CALABARZON.

Ang programa ay naglalayong bumuo ng isang bagong hanay ng mga kwalipikado at sinanay na mga magsasaka ng palay bilang mga katuwang at aktibong tagapagpalaganap sa pagpapaunlad at pagsulong ng makabagong produksyon ng palay at post-production sa irrigated at rainfed lowland rice-growing barangays sa CALABARZON.

Ulat mula kay: Mary Grace P. Leidia

article-seo
bad