Organikong Pagsasaka, Mas Pinaiigting Pa
PAGSANJAN, Laguna - Kasabay ng pagdiriwang ng National Organic Agriculture Congress (NOAC), isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON ang pagsasanay ukol sa “Risk-based Pre-Assessment of Farms for OA” para sa mga piling teknikong pansakahan sa lalawigan ng Laguna noong ika-21 hanggang ika-23 ng Marso, 2023 sa Villa Socorro Farm, Pagsanjan, Laguna.
Isa sa mahalagang bahagi ng pagsasanay ay ang pagsasagawa ng Pre-Assessment Inspection ng mga kalahok sa Villa Socorro Farm. Ito ay bilang paghahanda sa mga Agricultural Extension Workers (AEWs) para sa Participatory Guarantee System (PGS) sa kani-kanilang lugar. Pinatnubayan naman ito nina G. Arnaldo P. Gonzales ng DA-Regional Field Office (RFO) IV-A at Bb. Frene C. Dela Cruz mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna na pawang mga tagapagsalita ng pagsasanay.
Ang Risk-based Pre-Assessment of Farms for OA ay isang accredited training program ng Professional Regulation Commission (PRC) na may kaakibat na limang (5) Continuing Professional Development (CPD) credit points para sa mga licensed Agriculturist.
Ulat ni: Darren B. Bayna