57 na mga Nagsipagtapos ukol sa High-Quality Inbred Rice at Mekanisasyon, Mga Ganap Nang Tagapagsanay

Mon, 04/24/2023 - 11:19

57 na mga Nagsipagtapos ukol sa High-Quality Inbred Rice at Mekanisasyon, Mga Ganap Nang Tagapagsanay

57 na mga Nagsipagtapos ukol sa High-Quality Inbred Rice at Mekanisasyon, Mga Ganap Nang Tagapagsanay

 

LOS BAŇOS, Laguna – Matagumpay na naisagawa ang dalawang (2) pangkat ng "Training of Trainers (TOT) on Production of High-Quality Inbred Rice & Seeds and Farm Mechanization” ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños at DA-Regional Field Office (RFO) IV-A noong ika-12 hanggang ika-21 ng Abril, 2023.

Ang revised 2020 version ng PalayCheck System ay ginamit sa pagpapakilala ng mga konsepto at prinsipyo ng produksyon ng palay at upang ipakita ang modern rice production at post-production technology. Dagdag pa rito, natutunan din ng mga kalahok ang mga kinakailangang kaalaman at kasanayan tungkol sa adult learning, presentation at other social technology skills upang maging handa sila sa pagiging isang ganap na tagapagsanay sa kani-kanilang lugar.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe ng pagbati si G. Milo Delos Reyes, Regional Executive Director ng DA RFO IV-A, sa mga nagsipatapos. Aniya, "Tiwala ako na mas mapapataas pa natin ang produksyon ng palay dito sa ating rehiyon gamit ang inyong mga natutunan. Umaasa din kami na inyong ibabahagi ang mga natutunan sa pagsasanay na ito sa inyong mga kasamahan o komunidad upang mas marami pa ang makaalam ng mga napapanahong teknolohiya o pamamaraan sa pagtatanim ng palay tungo sa Masaganang Agrikultura at Maunlad na Ekonomiya!"

Bilang pangwakas na pananalita, nagbigay si Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON, ng mensahe ng pagsuporta at buong pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay. Higit sa lahat sa 57 na mga kalahok at nagsipagtapos mula sa lalawigan ng Batangas at Rizal.

Ang TOT on Production of High-Quality Inbred Rice & Seeds and Farm Mechanization ay ginanap sa Boy Scouts of the Philippines BP International Makiling, Brgy. Batong Malake, Jamboree Site, Los Baños, Laguna. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng mga bago at sapat na kaalaman at kasanayan ang mga kalahok tungkol sa produksyon ng inbred rice seeds at makabagong teknolohiya sa pagsasaka ng palay. Ito ay pinangasiwaan ng Partnerships and Accreditation Section.

Ulat ni: Mary Grace P. Leidia

 

article-seo
bad