Corn Cluster Development Plan sa CALABARZON, Pinagtuunan ng Corn Program ng DA-ATI CALABARZON

Fri, 04/28/2023 - 10:59
CornCluster Dev

 

LUCENA CITY, Quezon- Matagumpay na nagsipagtapos ang dalawampung (20) tekniko sa pagmamaisan mula sa mga probinsya ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon sa limang araw na pagsasanay na "Training of Trainers on Corn Cluster Development (Fall Army Worm (FAW) Management)" sa Ouan's Worth Farm and Family Resort Corporation sa syudad na ito.

Sa pangkalahatan, ang pagsasanay ay naglalayong bumuo ng isang Regional Core Team ng mga tagapagsanay sa CALABARZON. Sa loob ng limang araw, nagsanay ang mga kalahok sa paggawa ng Cluster Development Plan at pag-oorganisa ng isang Corn Cluster sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Sa pagtatapos ng programa, nagbahagi ng kanyang karanasan si Bb. Lira Virgina B. Mora mula sa Silang, Cavite. “Clustering is a completely new topic for me so I learned a lot on how to develop a cluster, needed requirements, and the appropriate content of a cluster development plan” ani Bb. Mora.

“I believe that the objectives of this training were attained and it is now a challenge in our respective municipalities or cities [to implement],  pagbahagi naman ni Bb. Lara Vergara isa sa kalahok mula sa Tanauan City, Batangas.  

Nagbigay ng isang mensahe ng paghamon at pasasalamat si Dr. Rolando V. Maningas, Training Center Superintendent II at Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa mga kalahok. Ayon sa kanyang mensahe, kanyang inaasahan na gagamitin ng mga kalahok ang mga natutunan at makakabuo at makakapagtatag ng mas marami pang Corn clusters sa rehiyon.

Pinangunahan ang pagsasanay ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA - ATI) Regional Training Center CALABARZON sa pamamagitan ng Career Development and Management Section (CDMS).

Ginanap ang pagsasanay noong ika-17 hanggang ika-21 ng Abril 2023. 

Ulat ni: Shiela Mae Luching Ocsillo

 

article-seo
bad