CANDELARIA, Quezon- Matagumpay na naisagawa ng Uma Verde Econarture Farm Inc. katuwang ang Department of Agriculture Training Institute (DA-ATI) ang tatlong araw na pagsasanay na "Training on Rabbitry Production and Enterprise Development" noong ika-18 hanggang ika-20 ng Abril, 2023.
Dalawampung tekniko sa paghahayupan at magsasaka ang matagumpay na nasipagtapos sa nasabing gawain.
Sa pangkalahatan, ang pagsasanay na ito ay may layunin na magbigay ng kaalaman sa mga kalahok ukol sa pag-aalaga ng kuneho. Sa loob ng tatlong araw, nagsanay ang mga kalahok sa tungkol sa pamamahala, pagpapakain, pagpaparami, pagkontrol sa sakit, at kalinisan ng mga alaga nilang kuneho.
Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng suporta sina DA-ATI CALABARZON TCSII/ Center Director, Dr. Rolando V. Maningas, at Regional Livestock Coordinator ng DA- RFO IVA Dr. Jerome Cuasay.
Sa kanyang mensahe, hangad ni Dr. Maningas na sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang munisipyo ay maibahagi nila ang kanilang natutunan, at kalaunan ay maging alternatibong source ng karne ang rabbit.
Ito ang ang unang Extension Service Provider (ESP) Extension Grant ng Uma Verde Econarture Farm Inc. bilang Regional ESP ng DA-ATI CALABARZON.
Ulat ni Joshua Agdon