Quezon Province - Isinagawa ng DA-ATI CALABARZON at Farmer-Scientist Training Program (FSTP) – University of the Philippines, Los Baños ang unang Harvest Festival sa bayan ng Lopez at Guinayangan, Quezon.
Aktibong lumahok ang ang mga magmamais ng Lopez at Guinayangan, Quezon sa dalawang araw na harvest festival na pinangunahan ng DA-Agricultural Training Institute CALABARZON at ng FSTP – UPLB noong ika -4 at ika-5 ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Bahagi rin ng gawain ang paglulunsad ng FSTP Phase III sa Lopez, Quezon at pagsasagawa ng Planning and Evaluation sa bayan ng Guinayangan. Ito ay tinutukan ng dalawang ahensya sa pangunguna ni Center Director, Dr. Rolando V. Maningas at Bb. Carla Melodillar ng FSTP-UPLB. Dinaluhan rin at nagbigay bahagi ng kanilang mga kaalaman at programa ang DA-Regional Field Office IV-A na kinatawanan ni Ms. Arlene V. Natanauan, APCO-Quezon – Mr. Marvin Pateña at DA RCPC – Ms. Sierralyn Sandoval.
Lubos namang pinasalamatan ng Municipal Agriculturist ng bayan ng Lopez na si Gng. Rebecca P. Tiama, at G. William R. Lopez, Jr. mula naman sa bayan ng Guinayangan ang bawat ahensya at magsasaka na nagsidalo sa nasabing kaganapan. Ang pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya at opisina ay naglalayon na mas lalo pang mapalakas ang implementasyon ng FSTP gayundin ang kabuhayan ng bawat magsasaka nito.
Ito ay susundan ng gawain na kung saan ang bawat magsasakang siyentista ay magiging bahagi ng gaganaping Refresher Course on Farmer-Scientist Training Program na gaganapin ngayong buwan ng Mayo 2023. Layunin nito na mas lalong paghusayin pa ang kakayahan ng bawat isa sa pagtuturo bilang paghahanda na din sa ikatlong yugto ng programa. Bukod dito magkakaroon din ng benchmarking ang mga kalahok sa dalawang Certified Learning Site for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON.
Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial