Mga Magsasaka sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol; Nagsanay ng Produksyon hanggang Marketing ng Cacao

Fri, 05/26/2023 - 16:19
Cacao training 2023

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Dawalampu't dalawang (22) magsasaka ang matagumpay na nagsipagtapos sa pagsasanay na "Training on Cacao Production, Processing, and Marketing" na pinangunahan ng DA- Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Villar SIPAG Farm School.

Ayon kay Bb. Lizbeth David, Project Officer, layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka upang maiangat ang antas ng cacao sa Pilipinas at muling mapagyabong ang produksyon ng nito sa bansa. Tinalakay sa limang araw na pagsasanay ang mga paksa ukol sa Philippine National Standard (PNS), nursery establishment, harvesting and postharvest, at marketing strategies. Nagkaroon din ng aktwal na pagbisita sa Auspere Nature Farm, Silang, Cavite upang magkaroon ng aktwal na pagpapakita ng mga teknolohiya sa produksyon ng cacao at pagproproseso nito.

cacao prod 2

Sa pagtatapos ng mga kalahok sa pagsasanay, nagpaabot ng mensahe ng pagbati ang OIC, Training Superintendent I/ Assistant Center Director, na si Bb. Sherylou C. Alfaro. Nagpaabot din ng pagbati at pasasalamat sa pamamagitan ng recorded video ang Kgg. Senator Cynthia A. Villar.

“Kami po sa Region IV-B (MIMAROPA) Palawan ay lubos pong nagpapasalamat sa DA ATI CALABARZON. Ito po ang aming kauna-unahang pag attend ng training dito DA-ATI CALABARZON at kami po ay nagpapasalamat sa mga speaker, Training Specialists at sa co-trainees na sa loob po ng five-day training ay marami po kaming natutunan at dagdag kaalaman sa farming, lalo na sa cacao. Babaunin po namin ito sa aming pag-uwi sa Palawan,” ani Bb. Valeriana A. Zabalo.

cacao prod 3

Ang mga nagsipagtapos ay mula sa mga probinsya ng CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol. Isinagawa ang pagsasanay sa DA-ATI CALABARZON, Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite mula ika-15 hanggang ika-19 ng Mayo taong kasalukuyan.

Laman ng balita: Lizbeth David

 

article-seo
bad