Local Farmer Technicians, Mas Pinalakas ang Kaalaman at Kasanayan sa Pagpapalayan

Mon, 07/24/2023 - 10:49
Local Farmer Technicians, Mas Pinalakas ang Kaalaman at Kasanayan sa Pagpapalayan

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Matagumpay na naisagawa ang pangalawang batch ng Refresher Course for Local Farmer Technicians (LFTs) na may titulong, "Training on Rice Technology Updates and Agroenterprise Development for LFTs,” na pinangunahan ng Partnerships and Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute

(DA-ATI) CALABARZON. Ito ay nilahukan ng dalawampung (20) LFTs mula sa iba’t ibang bayan sa CALABARZON.  

Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta sa mga kalahok si Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA-ATI CALABARZON.

Ang DA - Regional Field Office (RFO) IV-A, Philippine Rice Research Institute - Los Baños (PhilRice LB), Bureau of Animal Industry - National Swine and Poultry Research and Development Center (BAI-NSPRDC), Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), gayundin ang Calungsod Integrated Farm, isang Learning Site for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Anastasia, Tiaong, Quezon, ay ang mga katuwang sa pagpapatupad ng limang (5) araw na pagsasanay.

Sa araw ng pagtatapos, ibinahagi ng mga piling kalahok ang mahahalagang natutunan nila at kanilang pasasalamat sa nasabing gawain. Pahayag ni Gng Amelia N. Ramos mula sa Buenavista, Quezon sa kanyang impresyon, “sobrang kapaki-pakinabang ang aming mga natutunan. Maraming salamat ATI.” Sa pangwakas na pananalita, nagbigay ng pagbati at mensahe si Bb. Sherylou C. Alfaro, OIC Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa mga kalahok. Aniya, “nawa ay batid ng bawat isa sa inyo ang kahalagahan ng inyong gampanin bilang LFT na makapagbigay ng inspirasyon at serbisyo para sa inyong bayang nasasakupan.”

Ang nasabing gawain ay ginanap sa DA-ATI CALABARZON, Trece Martires City, Cavite noong ika-17 hanggang ika-21 ng Hulyo, 2023. Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa iba't ibang rice technology updates at agroenterprise development

 

article-seo
bad