Teknikong Pangsaka at Magniniyog Sinanay sa Produksyon at Pangangalaga ng Katutubong Manok.

Thu, 08/31/2023 - 09:21
TEKNIKONG PANGSAKA AT MAGNINIYOG SINANAY SA PRODUKSYON AT PANGANGALAGA NG KATUTUBONG MANOK.

TIAONG, QUEZON- Sinanay ang sampung Teknikong Pangsaka at labing-pitong Magniniyog sa “ Training  of Trainers on Native Chicken Production and Management sa ilalim ng Coconut Farmers Industry Development Program (CFIDP) ,na ginanap sa Calungsod Integrated Farms, Tiaong , Quezon na nagsimula noon ika-21 ng Agosto hangang ika-25 nag Agosto taong kasalukuyan.

Naglalayon ang pagsasanay na magkaroon ng lupon ng mga tagapagsanay para sa implementasyon ng “Farmer-level Training on Native Chicken Production and Management” sa buwan ng Oktuber ngayong taon. Sa loob ng limang araw natalakay ang mga paksa sa tamang pangangalaga at pagpapdami ng katutubong manok at ang tamang pagpoporoceso ng karne nito. Nagsilbing tagapagtalakay sa pagsasanay sina Dr. Rene C. Santiago at G. Mat San Agustin mula sa Bureau of Animal Industry – National Swine and Poultry Research Center ( BAI NSPRDC) , Tiaong, Quezon, Gng. Marjorie L. Sepina at Gng. Lou Denise-Marie S. Magadia mula sa Department of Agriculture – Quezon Agricultural Research and Experiment Station (DA-QARES).

Pinasinayaan nila Dr. Rolando V. Maningas, Center Director ng DA- Agricultural Training Institute CALABARZON, G. Bibiano Concibido, Jr, Regional Manager III ng Philippine Coconut Authority IV at Dr. Rene C. Santiago, Center Chief ng BAI-NSPRDC and pagtatapos ng program, nagpaabot sila ng pasasalamat at papapupugay sa lahat ng mga kalahok, tagapagsanay at tagapagpadaloy ng pagsasanay na naging susi upang matagumpay ang nasabing pagsasamnay.

Isang treeplanting activity ang isinagawa upang selyohan ang pagiging Coconut Learning Site ng Calungsod Integrated Farm.

Ulat ni: Marian Lovella A. Parot

article-seo
bad