Kauna-unahang pagsasanay sa produksyon ng sorghum sa CALABARZON, layong muling buhayin ang industriya

Wed, 09/13/2023 - 10:58
Kauna-unahang pagsasanay sa produksyon ng sorghum sa CALABARZON, layong muling buhayin ang industriya

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Upang muling buhayin ang industriya at makapagbigay ng alternatibong pamamaraan at dagdag-kita sa mga magsasaka, nagsagawa ng tatlong (3) araw na pagsasanay sa produksyon ng sorghum ang Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) CALABARZON.

Ito ang kauna-unahang pagsasanay sa rehiyon para sa produksyon ng sorghum na nagsimula noong ika-6 hanggang ika-8 ng Setyembre 2023 sa DA-ATI CALABARZON.

Pangunahing layunin nito na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga teknikong pang-agrikultura sa pagtatanim at pagpaparami ng sorghum na kilala sa pagiging matatag nito sa tagtuyot at iba pang field stresses.

Pinangunahan ng Career Development and Management Section (CDMS) ng DA-ATI CALABARZON ang pagsasanay, kung saan naging katuwang din ang DA-Regional Field Office (RFO) IV-A, UPLB Institute of Plant Breeding (IPB) at DA-Regional Crop Protection Center (RCPC) IV-A sa pagsasagawa nito.

Ulat ni: Daynon Kristoff S. Imperial

 

article-seo
bad