Pagsasanay Ukol sa Data Management Para sa Paghahayupan, Pinalawig ng ATI CALABARZON

Fri, 08/19/2022 - 14:52
Pagsasanay Ukol sa Data Management Para sa Paghahayupan, Pinalawig ng ATI CALABARZON

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Isinagawa ng Agricultural Training Institute CALABARZON ang ikalawang pangkat ng “Training on Data Management for Livestock Extension Workers” noong ika -17 hanggang ika-19 ng Agosto, sa ATI IV-A Training Hall, Trece Martires City, Cavite.

Layunin ng gawain na palawigin ang kahalagahan ng Data Management, Data Privacy at ipakilala ang konsepto ng Philippine Animal Industry Management Information System o PhilAIMIS para sa mga tekniko ng paghahayupan sa CALABARZON.

Matagumpay naman nasipagtatapos ang dalawampung (20) tekniko sa paghahayupan at ilang kawani ng ATI CALABARZON sa nasabing pagsasanay. Tinalakay dito ang kahalagaan ng Data Privacy Act at ang layunin ng PhilAIMIS nagkaroon din ng iba’t ibang aktuwal na aktibidad sa tamang pagsasagawa ng Data Management, Data Analysis at Data Depublication at paggamit ng Pentaho Integrator.

Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng mensahe si Gng. Sherylou C. Alfaro ang OIC, Training Center Superintendent I ng Agricultural Training Institure Region IVA para sa mga kalahok. “Batid nating lahat ang importansiya ng pagsasagawa ng Data Management sa ating kani-kaniyang ahensiya, ang hiling po namin sa ATI CALABARZON ay ang patuloy po nating isagawa at praktisin ang ating mga natututnan sa loob ng tatlong araw. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong taos-pusong pagpapaunlak sa pagsasanay na ito,” ani Gng. Alfaro.

Ang pagsasanay ay pinagunahan ng Career Development Management Services Section sa ilalim ng Livestock Program.

Content: MParot
Edited: JCailo

article-seo
bad