Teknolohiya at Makinarya sa Pagpapalay, Tinutukan sa Pagsasanay ng DA-ATI CALABARZON

Mon, 06/26/2023 - 17:07
Teknolohiya at Makinarya sa Pagpapalay

TRECE MARTIRES CITY. Matagumpay na naisagawa ang unang batch ng Refresher Course for AEW na may titulong “Training on Rice Technology Updates and Farm Mechanization” sa pangunguna ng Partnership Accreditation Section (PAS) ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI CALABARZON). Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa iba't ibang makabagong impormasyon sa teknolohiya at makinarya sa pagpapalay.

Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta ang Center Director ng DA ATI-CALABARZON na si Dr. Rolando V. Maningas.

Katuwang sa pagpapatupad ng pagsasanay ang DA Regional Field Office (RFO) IV-A, Philippine Rice Research Institute-Los Baños (PhilRice-LB), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), gayundin ang Javier Integrated Farm, isang Learning Site for Agriculture ng DA-ATI CALABARZON at RCEF Farm School (FS) na matatagpuan sa Calauan, Laguna

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ibinahagi ng mga piling kalahok ang mahahalagang natutunan nila at kanilang pasasalamat. Ani ni G. Avelino Racoma, “Sa pangkabuuan ay napaka-thankful ko po na muli, nakabalik ako sa training. Marami na namang karagdagang kaalaman at karanasan ang binigay sa akin.” Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat at mensahe ng pagsuporta si Dr. Michelle Quimbo, Senior Science Research Specialist mula sa PhilRice LB. Bilang pangwakas na pananalita, nagbigay ng pagbati at mensahe si Bb. Sherylou C. Alfaro, Assistant Center Director ng DA-ATI CALABARZON, sa mga kalahok. Aniya, “We do not want to be known as merely a Continuing Professional Development (CPD) provider, but as change agent/capacity builder and catalyst.”  

Ang nasabing gawain ay nilahukan ng dalawampu’t dalawa (22) na mga tekniko mula sa iba’t ibang bayan ng CALABARZON. Ang bawat kalahok na may lisensyang pang-agrikultor ay nagkamit ng 16 CPD points mula sa pagsasanay. 

Ito ay ginanap sa DA-ATI CALABARZON Training Hall, Brgy. Lapidario, sa  syudad na ito, noong ika-19 hanggang ika-23 ng Hunyo, 2023. 

Ulat ni: Mary Grace Leidia

 

article-seo
bad