25 na Kabataan, Sumibol sa BNP Program

Wed, 11/16/2022 - 16:39

IMG_5020.JPG

Mga bagong punla ng Binhi ng Pag Asa sa Bayan ng Capalonga! Muling nagsagawa ng ika-labing’limang pangkat na pagsasanay ng Binhi ng Pag Asa Program sa munisipalidad ng Capalonga. Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Selfieworld Beach Resort, Capalonga, Camarines Norte mula Nobyembre 16-18, 2022. Nais ng programa na palakasin at paigtingin ang adbokasiya sa agrikultura upang mapukaw ang interes ng mga kabataan sa sector ng pagsasaka. Dalawampu’t-limang (25) kabataan ang lumahok sa nasabing pagsasanay upang mahasa at malinang ang kaalaman sa agripreneurship, mga katangian ng isang mahusay na lider, wastong pamamaraan sa pag’aalaga ng free range chicken.

article-seo
bad