Nagtipon-tipon ang dalawampu’t limang lider ng mga magsasaka na naging kalahok sa PAlayTIMPALAK ng taong 2021 at 2022 upang dumalo sa Technical Briefing patungkol sa Balance Fertilization Strategy. Ang nasabing Technical Briefing ay idinaos sa Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1, Tebag East, Santa Barbara, Pangasinan noong ika-apat ng Abril taong 2023.
Layunin ng gawaing ito na matulungan ang mga magsasaka na maunawan kung gaano kahalaga ang istratehiyang ito upang mabawasan ang gastusin sa abono o pataba, mapaganda ang kalidad ng lupa at mapataas ang kanilang ani at kita.
Sa pamamagitan ng tulong ng mga eksperto mula sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) at Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ay matagumpay na napag-usapan ang mga Napapanahon na kaganapan, at pananaw ng Industriya ng Abono o Pataba, Overview ng Balanced Fertilization Strategy, Pamamahala sa Lupa upang mapanatili ang pagiging malusog at produktibo nito at ang mga Bio-fertilizers na na-develop sa Pilipinas.
Ipinahayag ng ilan sa mga kalahok ang kanilang impresyon ukol dito, kabilang dito ay si Ginoong Jonathan Jose Patawaran ng JOPAT Integrated Farm, Mangaldan, Pangasinan nasabi niya na: “Balance and Right. Balanse, dahil, kailangan nating malaman ang dapat nating gawin and Right for the rights source, right time and right place. Through balance fertilization, ma achieve natin pag right ang methods, strategies, and timing natin sa pag-aabono and holistically, gaganda ang harvest natin”
Nagpahayag din ng kanyang impresyon si Ginoong Romeo M. Ocampo na ang training na ito ay napapanahon at mai-shi-share niya din ito sa mga kapwa niya magsasaka dahil sabi nga nila education will not stop in school, but will only stop when you are dead. Kahit siya raw ay senior citizen na, he is continuously learning.
Kaya, inaasahan na sa pagbalik ng mga kalahok sa kani-kanilang komunidad at asosasyon ay maipalalaganap nila ang mga istratehiyang kanilang natutunan at ng sa ganon ay marami pang mga magsasaka angmabiyayaan ng bagong kaalaman ukol sa Balance Fertilization Strategy.