Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno

Fri, 10/18/2024 - 14:56
Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno

Isinagawa ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center I (ATI-RTC I) ang isang pagsasanay na pinamagatang “Training Course on Agro-Hydrology and Dam Design for Small Water Impounding Projects (SWIP)” sa Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan noong ika-17 hanggang ika-27 ng Setyembre, 2024.

Ang dalawang linggong pagsasanay ay dinaluhan ng dalawampu’t limang (25) Agricultural and Biosystems Engineers (ABE) mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na nagkakaisang nagtutulungan upang mapahusay ang mga kasanayan sa pamamahala ng yamang tubig at mga proyektong pang-agrikultura. Ang programang ito ay nagbigay ng mga kakayahang kinakailangan upang magdisenyo at magpatupad ng mga SWIP, na makapagbibigay ng kapakinabangan sa mga lokal na komunidad at sektor ng agrikultura.

Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno
Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno

Ang pangunahing layunin ng pagsasanay ay bigyan ng masusing pag-unawa ang mga kalahok sa batayang konsepto ng SWIP at sa mga prinsipyo ng Agro-Hydrology. Sumabak ang mga kalahok sa serye ng mga lektura at aktuwal na tumutok sa mga mahahalagang paksa tulad ng tamang pagpili ng lugar, watershed delineation, at pagsusuri ng epekto sa kapaligiran. Binigyang-diin din ng pagsasanay ang kahalagahan ng mga pangmatagalang pamamaraan sa disenyo ng mga proyekto upang matiyak ang patuloy na paggamit ng yamang tubig. Natutunan din ng mga kalahok ang paghahanda ng mga detalyadong engineering designs at cost estimations, mga kasanayang mahalaga para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto.

Isang mahalagang bahagi ng pagsasanay ay ang karanasan sa field visit sa isang kasalukuyang proyekto na SWIP. Sa pagbisita, nasaksihan ng mga kalahok ang aktuwal na aplikasyon ng mga konseptong natalakay sa pagsasanay. Sa pamamagitan ng makabagong mga aplikasyon tulad ng QGIS, Civil 3D, at AutoCAD, napalawak ang kanilang praktikal na kasanayan, na nagbigay ng higit na kumpiyansa sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng mga darating na proyekto. Ang kombinasyon ng teorya at aktuwal na karanasan ay napakahalaga sa paglinang ng mas malalim na pang-unawa sa pamamahala ng yamang tubig.

Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno
Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno
Pagpapalakas ng Kakayahan ng mga Inhinyero sa Agro-Hydrology at Disenyo ng SWIP: Hatid ng Ating Gobyerno

Ibinahagi rin ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan at karanasan sa buong pagsasanay. “Napakarami kong natutunan sa pagsasanay na ito na magagamit ko sa aming lungsod, lalo na para sa mga magsasaka. Lubos kong pinahahalagahan ang suporta ng aming mga resource persons,” ayon kay Engr. Diane C. Apura mula sa LGU-Borongan City. Ganito rin ang pahayag ni Engr. Naim Abdulgane, isang Water Resources Development Officer mula sa BSWM. Binanggit niya na ang pagsasanay ay pinalawak ang kanyang kaalaman sa pamamahala ng tubig at disenyo ng dam, na direktang makikinabang ang mga lokal na komunidad. Ang mga pahayag na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagsasanay at pagtutulungan ng mga propesyonal.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, malinaw ang progreso ng mga kalahok batay sa resulta ng kanilang mga pre-test at post-test at presentasyon ng kanilang mga proyektong disenyo ng Dam para sa SWIP. Marami ang nagpasalamat sa ATI-RTC I at Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pagbibigay ng komprehensibong programa. Ang mga kasanayan at kaalaman na kanilang natamo ay hindi lamang nagpapaunlad sa kanilang kakayahan bilang mga engineer, kundi nagpapalaganap din ng mas episyenteng mga kasanayang pang-agrikultura sa kanilang mga rehiyon.

Pagbalik ng mga kalahok sa kanilang mga lugar, dala nila ang pangako na gamitin ang kanilang mga natutunan at magsulong ng mga proyektong makikinabang ang mga lokal na magsasaka at komunidad. Ang kanilang dedikasyon sa pagpapatupad ng mga kaalamang ito ay patunay ng patuloy na pangangailangan ng edukasyon at pagtutulungan upang masolusyonan ang mga hamon ng pag-unlad sa agrikultura at pamamahala ng yamang tubig sa bansa. Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng mga propesyonal na gagabay sa mga inisyatibong makakalikha ng mas matatag na komunidad at pangmatagalang solusyon sa pamamahala ng tubig sa bansa.

article-seo
bad