NAGCARLAN, LAGUNA - โThis training will definitely aid the gaps between the coconut farmers and their market. It will surely benefit the cocofarmers not just in my area of assignment but also the whole region since we are planning to cascade/conduct FBS in different provinces.โ ani Bb. Lovely Labor sa kaniyang impresyon.
Kaisa si Bb. Labor sa dalawampuโt pitong (27) kalahok na matagumpay na nagsipagtapos ng sampung (10) araw na Training of Facilitators on Coconut Farm Business School. Ang mga kalahok ay binubuo ng mga teknikong pang-agrikultura at lider-magsasaka mula sa ibaโt ibang lalawigan ng CALABARZON.
Layunin ng pagsasanay na ito na tulungan ang mga magsasaka sa pagtataguyod at pagpapatibay ng kanilang mga sakahan bilang mga kumikitang negosyo. Sa loob ng 10 araw itinuro sa mga kalahok ang ibaโt ibang bahagi ng FBS gayundin ang mga programa na nakapaloob sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP). Samantala, nagsagawa din ng market survey at benchmarking ang mga kalahok upang magkaroon ng ideya sa kasalukuyang kalakaran ng presyo sa pagniniyog at malaman ang ibaโt ibang kasanayan na maaari nilang gamitin sa kanilang sakahan. Isinagawa ang benchmarking activity sa dalawang Learning Site for Agriculture (LSA) ng DA-ATI CALABARZON, ang Kititay Farm na matatagpuan sa Magdalena, Laguna at APA Farms sa Majayjay, Laguna.
Nagpahatid ng mensahe ng pagsuporta si Sen. Cynthia A. Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food sa pagbubukas ng pagsasanay noong Setyembre 18, 2023.ย Samantala, malugod na dinaluhan nina DA-ATI Center Director, Dr. Rolando V. Maningas at PCA Region IV Regional Manager II, G. Bibiano C. Concibido Jr. ang araw ng pagtatapos ng mga kalahok.
Sa mensahe ni DA ATI CALABARZON Center Director, Dr. Rolando V. Maningas, pinasalamatan niya ang PCA Region IV sa pakikiisa sa naturang pagsasanay at patuloy na umaasa na nakatulong ang pagsasanay upang mas mapalawig pa ng mga kalahok hindi lamang ang kanilang mga niyugan, gayun din ang iba pa nilang mga negosyo.
Sa huli, patuloy na magsasagawa ng mga kahalintulad na pagsasanay ang DA-ATICALABARZON upang mahikayat ang iba pang magsasaka na tingnan bilang isang kumikitang kabuhayan ang kanilang mga sakahan.
Ang naturang pagsasanay na isinagawa sa pangunguna ng Planning Monitoring and Evaluation Unit (PMEU) ng DA ATI CALABARZON sa pakikipagtulungan sa PCA Region IVA mula Setyembre 18 hanggang 27 taong pangkasalukuyan sa Gintong Bukid Farm and Leisure, Nagcarlan, Laguna
Ulat niย Juvelyn V. Dela Cruz
ย