Programang F2C2 at rice techno updates, hatid sa 30 teknikong pang-agrikultura

Tue, 03/12/2024 - 19:12
Programang F2C2 at rice techno updates.jpg

PAGBILAO, Quezon -- Inihatid sa 30 local farmer technicians (LFTs) sa CALABARZON ang refresher course na may titulong โ€œInstilling Knowledge on the Strategic Clustering Approach for Rice-Based Enterprise and Technology Updatesโ€ na nagsimula noong ika-4 ng Marso hanggang ika-8 ng Marso, 2024 sa Cortijo de Palsabangon.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa iba't ibang Rice Technology Updates at Agro-enterprise Development.

Sa pagsisimula ng pagsasanay, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta ang Center Director ng Department of Agriculture โ€“ Agricultural Training Institute (DA ATI-CALABARZON) na si Dr. Rolando V. Maningas.

Katuwang sa pagpapatupad ng pagsasanay ang DA-Regional Field Office (RFO) IV-A, Philippine Rice Research Institute - Los Baรฑos (PhilRice-LB), Bureau of Animal Industry - National Swine and Poultry Research and Development Center (BAI-NSPRDC), gayundin ang Calungsod Integrated Farm (Tiaong, Quezon), isang Learning Site for Agriculture (LSA) ng DA-ATI CALABARZON at The Girasoles Integrated Farm School, Inc. (Candelaria, Quezon).

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ibinahagi ng mga piling kalahok ang mahahalagang natutuhan nila at kanilang pasasalamat.

Ani Fidel Sta. Catalina, isang tekniko mula sa Morong, Rizal, โ€œmarami kaming natutunan sa pagsasanay na ito at isang bagay ang sinisigurado ko na pagdating namin sa amin ay ibabahagi ko rin ang mga ito sa iba.โ€

Bilang pangwakas, nagbigay ng pagbati si Dr. Rolando V. Maningas sa mga kalahok, โ€œKami sa ATI CALABARZON ay magpapatuloy sa pagbibigay ng mga napapanahong mga pagsasanay at mga aktibidad na makakatulong sa paglinang ng inyong mga kaalaman at kasanayan sa ibaโ€™t ibang aspeto ng agrikultura.โ€ย 

Isinagawa ang pagsasanay sa pangunguna ito ng Partnership Accreditation Section (PAS) ng DA-ATI CALABARZON.

Ulat ni: Bb. Grace M. Leida

ย 

article-seo
bad