QUEZON PROVINCE โ Isinagawa ng DA-ATI CALABARZON ang โEnriching Knowledge and Building-up Networks on Coconut Farm Business School (Farmer Level): A Culminating Activity,โ kung saan binisita ng mga kalahok na magniniyog ang ilang negosyo at samahang pangkabuhayan sa pagniniyog (coco-based enterprises) sa lalawigan ng Quezon noong Disyembre 13.
ย
Nagsimula ang benchmarking activity sa D' Farm Agricultural Plantation Inc. sa Sampaloc, Quezon. Kilala ang Dโ Farm sa malawak na produksyon ng dwarf variety ng niyog.
ย
Kasama ng DA-ATI CALABARZON ang 125 na mga kalahok na magniniyog na mula sa mga bayan ng San Juan, Batangas; Pagsanjan, Laguna; San Francisco, San Antonio, at Quezon, Quezon.
ย
Hinati ang mga kalahok sa apat na grupo at nagtungo sa mga coconut-based enterprises gaya ng Pasciolco Agriventures (Tiaong, Quezon), Greenlife Coconut Products Phils., Inc. (Tayabas City), Samahan ng Magniniyog at Maglalambanog sa Ibabang Nangka at Wakas (Tayabas City), at Alyansang Pangkabuhayan ng Lucena City.
ย
Nagkaroon ang mga kalahok ng pagkakataong ibahagi sa ibang magniniyog ang mga dagdag kaalaman na nakuha mula sa mga pinuntahang coconut enterprises.ย
ย
Bahagi rin ng nasabing gawain ang paggawad ng katibayan ng pagtatapos sa 125 na mga kalahok sa Ouanโs Worth Farm & Family Resort sa Lucena City na ginanap noong Disyembre 14, 2023.
ย
Isa ang coconut FBS sa mga programang pangkasanayan sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na naglalayong ipakilala sa mga kalahok ang mga gawain at teknolohiya ng mga matagumpay na negosyo o kabuhayan mula sa pagniniyog.
ย
Naisakaturapan ang aktibidad sa pangunguna ng Planning, Monitoring, and Evaluation Unit (PMEU) ng DA-ATI CALABARZON.
Ulat ni: Archie Linsasagin
ย