2,500 na Magsasaka, Nagsipagtapos sa SOA-SRA

Wed, 06/28/2023 - 09:44
SOA SRA Graduation

Pinangunahan ng Agricultural Training Institute MIMAROPA ngayong araw, ika-28 ng Hunyo 2023 ang pagtatapos ng School-on-the-air on Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) na may temang "Palay-aralan: Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid" na ginanap sa Sablayan Astrodome, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng iba't-ibang katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan tulad ng Occidental Mindoro State College, Provincial Agriculture Office ng Occidental Mindoro, at mga munisipyo ng Magsaysay, San Jose, Rizal, Calintaan, Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, at Abra de Ilog.

Ang pinaka-highlight ng aktibidad ay ang pagbibigay ng sertipiko sa mga nagsipagtapos ng SOA-SRA. Kinilala din ang sampung (10) natatanging estudyante ng bawat kalahok na munisipyo kung saan nakatanggap sila ng binhi ng palay, knapsack sprayer at abono bilang papremyo.

Ang programa ay may mahigit na 2,500 na nagsipagtapos na kinabibilangan ng mga magsasaka, mag-aaral, grupo ng kababaihan, mga asosasyon at mga kooperatiba.

Naging matagumpay na naisakatuparan ang SOA-SRA dahil din sa pakikipagtulungan ng Philippine Rice Research Institute, Department of Agriculture MIMAROPA Region at Philippine Information Agency.

article-seo
bad