Bida ang magniNIYOG sa lalawigan ng Marinduque!

Thu, 03/02/2023 - 10:46
CFIDP Marinduque

Matagumpay na naisagawa ang Information Caravan on Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) sa Marlangga, Torrijos, Marinduque noong Pebrero 23,2023. Ito ay dinaluhan ng mga magsasakang magniniyog at mga agricultural extension workers mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Marinduque.

Layunin ng programa na magbigay kamalayan sa mga magsasaka at mga extension workers patungkol sa RA 11524 o CFITF Act. Dagdag pa dito, layunin ng programa na tipunin ang mga responsableng ahensya na magsasagawa ng mga programa patungkol dito.

Ang nasabing gawain na pinadaloy ng ATI MiMaRoPa ay dinaluhan ng mga representante ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na parte ng CFIDP Program. Kabilang sa mga dumalo at nagbahagi ng kanikanilang programa ay ang National Dairy Authority(NDA), Philippine Crop Insurance Corporation(PCIC), Landbank of the Philippines (LBP), Department of Trade and Industry (DTI), Cooperative Development Authority (CDA), Department of Agriculture- MiMaRoPa (HVCDP), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Philippine Coconut Authority (PCA).

article-seo
bad