Bilang suporta sa Plant, Plant, Plant Program ng Department of Agriculture o Kagawaran ng Pagsasaka, ang Agricultural Training Institute (ATI) sa MiMaRoPa ay bumuo ng isang patimpalak na “Tanim Ko, Vlog Ko”.
Ito ay naglalayon na makahikayat ng mas maraming indibidwal at pamilya sa nayon at lungsod ng Rehiyon na magtanim ng sariling gulay sa kanilang bakuran upang magbigay inspirasyon na hindi lahat ng kakainin natin ay kailangang bilhin bagkus ay maaaring makuha sa sailing bakuran lamang.
Ano pa ang hinihintay ninyo? Kunan ng maikling “video” o mag-vlog sa inyong hardin ng gulay at sumali sa “Tanim Ko, Vlog Ko” Contest ng ahensya.
Just Click, Shoot and Post.
CRITERIA:
1. Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng indibidwal, grupo o pamilya na nakatira sa Rehiyon ng MiMaRoPa na may “hardin ng gulay” sa kanilang bakuran na nais ipagmalaki upang maka-engganyo sa maraming tao na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran.
2. Kunan ng maikling “video” o mag-vlog sa inyong taniman ng gulay. Sa loob ng limang (5) minuto, siguraduhing malinaw ang pagkakuha ng video at natalakay ng mabuti ang aktibidad na ginagawa ninyo sa inyong taniman ng gulay, kalakip nito ang mensahe tungkol sa benepisyong naidudulot sa inyo ng backyard vegetable gardening ngayon panahon ng ECQ. Huwag din kalimutang sabihin/banggitin sa nasabing video o vlog ang inyong pangalan at lokasyon para sa mabilis na pagkakakilanlan.
3. Ipadala ang video o vlog sa iss_mimaropa@ati.da.gov.ph or atimimaropa4b@gmail.com. Isang entry lamang bawat indibidwal/account. Kailangang pagmamay-ari mismo ng sender ang vegetable garden na kinuhanan ng video o vlog at hindi sa ibang tao o kinuha lamang sa internet.
4. Isang entry o video lamang ang maaari ninyong ipadala sa bawat batch ng kompetisyon. Ang patimpalak na ito ay gagawin weekly (sa loob ng tatlong linggo) simula April 14 hanggang May 1, 2020.
5. Ipopost sa FB page ng ATI MiMaRoPa ang unang batch ng mga entries na nag-submit mula April 14 hanggang 12 NN ng April 17, 2020.
6. Matapos i-post sa FB page ng ATI-MiMaRoPa, i-share ito gamit ang iyong personal account. Mag-invite at mag-tag ng mga FB friends sa inyong video o vlog upang mas dumami ang makakita at mahikayat na gumawa ng sarili nilang vegetable garden.
7. Ang video o vlog na may pinaka maraming “heart” ang mananalo sa linggong iyon. Tandaan, ang may pinakamaraming “heart” reaction sa orihinal na video o vlog na pinost ng ATI-MiMaRoPa account lamang ang counted sa contest.
8. Magtatala kami ng cut-off kung hanggang kailan matatapos ang paramihan ng “heart” sa inyong video o vlog upang malaman ang huling bilang.
9. Magtatanghal kami ng dalawang (2) panalo bawat linggo, sa bawat batch ng upload ng entries.
PRIZES
Winners
• Vegetable garden kit
o Iba’t-ibang buto ng gulay
o Seedling trays
o Garden tools
o 100 Peso worth of load
• Limited Edition ATI-MiMaRoPa Promotional Materials
o Umbrellla
o Eco-bag with foldable fan at samu't saring babasahin( IEC materials) sa paggugulayan
CLAIMING OF PRIZES
Para sa mga mananalo, katuwang ang Municipal Agriculture Office at FITS Center ng inyong bayan o lungsod, iaabot namin sa kanila ang inyong mga napanalunan matapos ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine.
Story by: