Natural na Pangontra sa Peste

Natural na Pangontra sa Peste
Download Link:

Ang pamamaraang nakasaad dito ay hindi solusyon sa problema ng peste at sakit sa sakahan. Ito ay magsisilbing pangunang lunas lamang. Ito rin ay magsisilbing batayang impormasyon para sa maliliit na magsasaka upang itaguyod ang kanyang sariling eksperimento at pananaliksik na nakabatay sa pagmamasid sa kapaligiran at ng sakahan.

HERBAL EXTRACT

Ang Herbal Extract (HE) ay produkto ng simpleng pagbabad ng mga spices (luyang dilaw, luya, bawang, sibuyas, at iba pa) sa lambanog o tuba. Dahil sa katangiang taglay ng spices at alcohol, maaari itong gamiting pamuksa ng peste at panlaban sa sakit ng halaman.