21 LSA, Farm School Trainers, Nagtapos sa DAC

Fri, 12/02/2022 - 15:37

IMG_0294.JPG

Dalawampu’t isang (21) kalahok mula sa iba’t-ibang Learning Sites for Agriculture (LSAs) at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Farm Schools ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Masbate ang nagtapos ng pagsasanay na “Let’s Go Digital: Digital Agriculture Course (DAC) for LSAs. Ito ay isinagawa noong ika-22 hanggang ika-24 ng Nobyembre sa Calaguas Hall, ATI Bicol sa Pili, Camarines Sur.

 Ang pagsasanay ay naganap sa pakikipagtulungan ng Digital Agriculture and Innovation Center ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) at Smart Communications.

Nagsilbing tagapagsalita si Karlos Miguel Haber, Information Technology expert ng CBSUA, tungkol sa kung paano gamitin ang internet, paano makakaiwas sa online scams at GPS Field Area Measure. Tinalakay naman ni Engr. Kristine Olila, Agriculturist II ng DA-ATI Bicol ang iba’t-ibang Knowledge Resources at Agricultural Apps tulad ng Binhing Palay, AgriDOC, Rice Crop Manager, LCC, MOET at iba pa na makakatulong sa mga magsasaka.

Sina Michael Villezar, Information Officer II at Christian Tosoc, Media Production Specialist II  ng DA-ATI Bicol, ay nagturo tungkol sa smartphone, paggamit ng social media, mga apps tulad ng Payong PAGASA, QR Code Technology at eLearning. Kabilang din sa pagsasanay ang talakayan tungkol sa paggawa ng online poster, maging ang paggamit ng iba’t ibang e-commerce platforms tulad ng Lazada, Shopee at e-Kadiwa, at online transactions/payments tulad ng Maya at GCash.

Ang DAC ay itinataguyod ng DA-ATI at Smart Communications upang makapagsanay ng mga LSA Cooperators o Farm School trainers tungkol sa digital farming. Sila ang magiging katuwang ng ATI upang matulungan ang mga magsasaka na ma-access ang mga impormasyong kailangan upang makagawa ng mas mahusay na desisyonsa pagsasaka.

Layon ng DAC na pagbutihin ang mga kahusayan at kasanayan sa paggamit ang digital technology, at palawakin ang oportunidad para sa mga magsasaka upang maibenta nila ang kani-kanilang ani sa paraang mas maayos at mas makatutulong sa kanilang kabuhayan.

article-seo
bad